(photo credit - https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgqiLicQ9ICkeZ53d7MATRP2d16VcTRB9Odv5cAQIOFNFD7Q0kZJkh5XyK2DcmMxuDMl2t3W8yo5yiby9yPXSfDnqAtlDxzrMLV6KhvfCoAVRheRrTaxqoBEcqu0hQOwuesZ1UJd-EohBJw/s640/WP_001423.jpg)
(Ed-We are featuring here a story we received from an anonymous sender and we hope to hear also from others, brave enough to tell their own same stories so that this issue would soon be addressed. We also would like to call the attention of the Psychological Association of the Philippines as the Accredited Professional Organization to look into this issue. The PRB of Psychology and the Department of Health as a government institution should also uphold and implement the law (RA10029). Given the licensure exam and professionalization of Psychometrician this anomalous and unethical practice among testing centers and OFW clinics should be stopped. Let us also offer solution and alternatives. Let's protect the integrity of our profession. Let's uphold the ethical practice of Psychometricians.)
Isa akong
psychometrician sa isang clinic at nakakalungkot mang sabihin pero hindi ko
nagagampanan ang trabaho ko na may integridad. Hindi ko man masasabi ang lahat
pero gusto ko lang malaman ng mga may experience na sa larangan ng Sikolohiya
at sa mga nakakataas ang mga problema ko sa aking trabaho.
Kung susumahin,
may higit isang taon na akong experience bilang isang psychometrician sa 2
clinic sa Metro Manila. Nung una’y, napansin ko na OK ang trabahong ito dahil
related sa akin kurso, nang tumagal-tagal na ako sa trabaho, nakikita at
napapansin kong hindi na maganda ang trabahong ito (pasensya na) dahil sa aking
napansin na hindi na tugma ang trabaho ko sa ethic na natutunan ko sa kolehiyo
at sa pag-review para sa board exam – ang kadahilanan kung bakit ako nag-resign
sa una kong pinagtratrabahuhan.
Nakapasa ako sa
board exam para sa psychometrician at alam kong may malaki akong
responsibilidad (kahit hindi ako psychometrician) hindi lang dahil may batas na
akong dapat sundin, kundi na rin may pakialam ako sa ikabubuti ng mga tao sa
tulong ng psychology.
Nag-apply ako sa
iba’t-ibang institution, kolehiyo, at clinic sa Manila. Isa lang ang napansin
ko, hindi pa tuluyang naipapatupad ng maayos ang ating batas (R.A. 10029).
Marami pa ring gumagamit ng psychological tests na photocopied, may mga
gumagamit pa rin ng projective tests na hindi naman angkop sa mga
naga-administer nito, may mga gumagamit pa rin ng objective tests na hindi
naman standardized sa Pilipinas (kasama ako rito at 100% akong sigurado na lahat
ng nagtratrabaho bilang psychometrician ngayon ay hindi gumagamit ng
standardized tests), at may ilan pa ring “walang pakialam” sa issue na ito.
Walong buwan na
akong psychometrician sa ikalawa kong pinapasukan at kung ano napansin ko dati,
ganoon pa rin ang sitwasyon sa ngayon. Labag sa loob ko ang gawin ang mga bagay
na hindi tugma sa ating ethics at sa ating batas pero kailangan kong magtrabaho
para sa sarili ko at magkaroon ng experience. Nung unang 2 buwan ko dito,
kabadong-kabado ako dahil ganoon pa rin ang sitwasyon, nakakalito dahil hindi
ko alam kung alin ang dapat mong sundin: ang batas at ethics ba ng mga
psychometrician o ang batas at ang standard procedure ng DOH na hindi tugma sa
una?
Siguro maraming
magagalit sa artikulong ito at magsasabi na “Ang tanga mo naman, malamang ‘yung
batas at ethics ng psychometrician, PAP, PRC, etc.”. Nasabi ko na rin ‘yan sa
sarili ko pero wala eh. Mahirap siyang i-apply sa totoong buhay, sa realidad ng
trabaho ko...
Hahawak ka ng 15
bilang ng kliyente araw-araw at bibigyan mo sila ng minimum battery ng DOH (1
intelligence test at 1 personality inventory kasama ang talambuhuhay, atbp.).
Sa tingin mo ba makakuha ka ng sapat na impormasyon gamit lang ng battery na
‘yon sa taong pagbibigyan mo nito at ia-assess mo? Hindi. Sa artikulong
ipapabasa ko sa inyo, malalaman ninyo ang reaksyon o sagot ng PAP sa DOH
tungkol sa issue na ito noong taong 2010 pa. Kayo na ang mag-analyze o magbigay
opinion sa artikulo na ‘yon.
Sa loob ng 8
buwan ko dito, hinayaan ko na lang ang issue dahil may
“ganito-din-naman-ang-sitwasyon-ng-iba-mas-malala-pa-nga-yun-sa-kanila”
mentality. Pero isang araw, may kaibigan ako na bago lang din sa trabahong ito,
bagong psychometrician siya sa isang clinic at nagtatanong siya sa akin kung
ano ang procedure ganyan-ganyan. Nung una, sinasabi ko na “hayaan mo lang ‘yung
ganyan, wala naming mangyayari sa kliyente, i-base mo lang ‘yung resulta sa
interview mo” pero napansin ko na ayaw kong mapasa yung mentality ko kaya
siguro naging interesado ako na maayos ang trabaho ko.
Ang SOP sa
clinic ng namin ay ganito, hindi ko alam kung parehas nung sa iba:
- Bigyan mo ng tig-isang test
(intelligence at personality) ang kliyente.
- Ibabase mo ang katauhan niya sa
nalakap mong data sa intelligence at personality at gagawan ito ng summary form
mula sa DOH.
Ang ginagamit
kong test ay: PNLT para sa intelligence at BPI para sa personality. Alam kong
hindi ito standardized dahil ang pinagbabasehan pa ring norms ay ang nasa
manual nito na gawa sa ibang bansa, at ang scoring nito ay hindi maliwanag at
alam kong iba-iba sa bawat clinic.
May mga kaibigan
din akong nagtratrabaho sa mga clinic at gumagamit sila ng DAPT at SSCT na alam
kong hindi pwedeng gamitin lalo na kung hindi ka competent na gamitin ‘yun. Sa
totoo lang, nagulat din ako nung nalaman kong ganun ang ginagamit nila.
Tinanong ko siya, “Bakit ganiyan ang ginagamit niyo, naiinspect ba ‘yan?”.
Sumagot siya, “Oo, na-inspect na kami ng DOH.” Nasa isip ko, nakalusot sila,
makakalusot din siguro kami.
Alam ko na dapat
matagal na akong natanggalan ng lisensya (kahit ayaw ko...ayaw ko talaga) pero
sa ngayon, iniisip ko kung paano nagsimula ang ganito at kung ‘yung mga test
ban a ginagamit ay standardized ba at paano nalikha yung summary form ng DOH na
binase sa personality inventories (ibig sabihin Psychologist- nalaman ko ang
pangalan kamakailan lang- o may alam sa paggawa ng test ang lumikha noon, ewan
ko).
Gusto ko ding
masunod ang artikulo ng PAP para hindi na ako kabahan sa mga gagawin ko. Siguro
ilang taon pa ang lilipas para tuluyang maging maayos ang trabaho ng mga
psychometrician dito sa bansa.
Salamat sa
pagbabasa at kung may masama kayong sasabihin sa akin, gusto kong maranasan
ninyo kung ano ba talaga ang trabaho ko para maintindihan niyo ako, okay lang
sa akin na gawin kayong reliever for 1 week para mas maintindihan niyo ang
sitwasyon ko at makapagpahinga rin ako. Itatago ko ang katauhan ko, at sa mga
nakakaalam kung sino ako, sana maintindihan niyo rin ang pinagdadaanan ko at
isainyo niyo na lang ang katauhan ko. Haha.
Salamat ulit.
By: Xyfer