Showing posts with label RPm Ethical Dilemma. Show all posts
Showing posts with label RPm Ethical Dilemma. Show all posts

Monday, October 26, 2015

RPm Ethical Dilemma: Trabahong Walang Integridad

(photo credit - https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgqiLicQ9ICkeZ53d7MATRP2d16VcTRB9Odv5cAQIOFNFD7Q0kZJkh5XyK2DcmMxuDMl2t3W8yo5yiby9yPXSfDnqAtlDxzrMLV6KhvfCoAVRheRrTaxqoBEcqu0hQOwuesZ1UJd-EohBJw/s640/WP_001423.jpg)

(Ed-We are featuring here a story we received from an anonymous sender and we hope to hear also from others, brave enough to tell their own same stories so that this issue would soon be addressed. We also would like to call the attention of the Psychological Association of the Philippines as the Accredited Professional Organization to look into this issue. The PRB of Psychology and the Department of Health as a government institution should also uphold and implement the law (RA10029). Given the licensure exam and professionalization of Psychometrician this anomalous and unethical practice among testing centers and OFW clinics should be stopped. Let us also offer solution and alternatives. Let's protect the integrity of our profession. Let's uphold the ethical practice of Psychometricians.)

Isa akong psychometrician sa isang clinic at nakakalungkot mang sabihin pero hindi ko nagagampanan ang trabaho ko na may integridad. Hindi ko man masasabi ang lahat pero gusto ko lang malaman ng mga may experience na sa larangan ng Sikolohiya at sa mga nakakataas ang mga problema ko sa aking trabaho.

Kung susumahin, may higit isang taon na akong experience bilang isang psychometrician sa 2 clinic sa Metro Manila. Nung una’y, napansin ko na OK ang trabahong ito dahil related sa akin kurso, nang tumagal-tagal na ako sa trabaho, nakikita at napapansin kong hindi na maganda ang trabahong ito (pasensya na) dahil sa aking napansin na hindi na tugma ang trabaho ko sa ethic na natutunan ko sa kolehiyo at sa pag-review para sa board exam – ang kadahilanan kung bakit ako nag-resign sa una kong pinagtratrabahuhan.

Nakapasa ako sa board exam para sa psychometrician at alam kong may malaki akong responsibilidad (kahit hindi ako psychometrician) hindi lang dahil may batas na akong dapat sundin, kundi na rin may pakialam ako sa ikabubuti ng mga tao sa tulong ng psychology.

Nag-apply ako sa iba’t-ibang institution, kolehiyo, at clinic sa Manila. Isa lang ang napansin ko, hindi pa tuluyang naipapatupad ng maayos ang ating batas (R.A. 10029). Marami pa ring gumagamit ng psychological tests na photocopied, may mga gumagamit pa rin ng projective tests na hindi naman angkop sa mga naga-administer nito, may mga gumagamit pa rin ng objective tests na hindi naman standardized sa Pilipinas (kasama ako rito at 100% akong sigurado na lahat ng nagtratrabaho bilang psychometrician ngayon ay hindi gumagamit ng standardized tests), at may ilan pa ring “walang pakialam” sa issue na ito.

Walong buwan na akong psychometrician sa ikalawa kong pinapasukan at kung ano napansin ko dati, ganoon pa rin ang sitwasyon sa ngayon. Labag sa loob ko ang gawin ang mga bagay na hindi tugma sa ating ethics at sa ating batas pero kailangan kong magtrabaho para sa sarili ko at magkaroon ng experience. Nung unang 2 buwan ko dito, kabadong-kabado ako dahil ganoon pa rin ang sitwasyon, nakakalito dahil hindi ko alam kung alin ang dapat mong sundin: ang batas at ethics ba ng mga psychometrician o ang batas at ang standard procedure ng DOH na hindi tugma sa una?

Siguro maraming magagalit sa artikulong ito at magsasabi na “Ang tanga mo naman, malamang ‘yung batas at ethics ng psychometrician, PAP, PRC, etc.”. Nasabi ko na rin ‘yan sa sarili ko pero wala eh. Mahirap siyang i-apply sa totoong buhay, sa realidad ng trabaho ko...

Hahawak ka ng 15 bilang ng kliyente araw-araw at bibigyan mo sila ng minimum battery ng DOH (1 intelligence test at 1 personality inventory kasama ang talambuhuhay, atbp.). Sa tingin mo ba makakuha ka ng sapat na impormasyon gamit lang ng battery na ‘yon sa taong pagbibigyan mo nito at ia-assess mo? Hindi. Sa artikulong ipapabasa ko sa inyo, malalaman ninyo ang reaksyon o sagot ng PAP sa DOH tungkol sa issue na ito noong taong 2010 pa. Kayo na ang mag-analyze o magbigay opinion sa artikulo na ‘yon.

Sa loob ng 8 buwan ko dito, hinayaan ko na lang ang issue dahil may “ganito-din-naman-ang-sitwasyon-ng-iba-mas-malala-pa-nga-yun-sa-kanila” mentality. Pero isang araw, may kaibigan ako na bago lang din sa trabahong ito, bagong psychometrician siya sa isang clinic at nagtatanong siya sa akin kung ano ang procedure ganyan-ganyan. Nung una, sinasabi ko na “hayaan mo lang ‘yung ganyan, wala naming mangyayari sa kliyente, i-base mo lang ‘yung resulta sa interview mo” pero napansin ko na ayaw kong mapasa yung mentality ko kaya siguro naging interesado ako na maayos ang trabaho ko.

Ang SOP sa clinic ng namin ay ganito, hindi ko alam kung parehas nung sa iba:
  • Bigyan mo ng tig-isang test (intelligence at personality) ang kliyente.
  • Ibabase mo ang katauhan niya sa nalakap mong data sa intelligence at personality at gagawan ito ng summary form mula sa DOH.

Ang ginagamit kong test ay: PNLT para sa intelligence at BPI para sa personality. Alam kong hindi ito standardized dahil ang pinagbabasehan pa ring norms ay ang nasa manual nito na gawa sa ibang bansa, at ang scoring nito ay hindi maliwanag at alam kong iba-iba sa bawat clinic.

May mga kaibigan din akong nagtratrabaho sa mga clinic at gumagamit sila ng DAPT at SSCT na alam kong hindi pwedeng gamitin lalo na kung hindi ka competent na gamitin ‘yun. Sa totoo lang, nagulat din ako nung nalaman kong ganun ang ginagamit nila. Tinanong ko siya, “Bakit ganiyan ang ginagamit niyo, naiinspect ba ‘yan?”. Sumagot siya, “Oo, na-inspect na kami ng DOH.” Nasa isip ko, nakalusot sila, makakalusot din siguro kami.

Alam ko na dapat matagal na akong natanggalan ng lisensya (kahit ayaw ko...ayaw ko talaga) pero sa ngayon, iniisip ko kung paano nagsimula ang ganito at kung ‘yung mga test ban a ginagamit ay standardized ba at paano nalikha yung summary form ng DOH na binase sa personality inventories (ibig sabihin Psychologist- nalaman ko ang pangalan kamakailan lang- o may alam sa paggawa ng test ang lumikha noon, ewan ko).

Gusto ko ding masunod ang artikulo ng PAP para hindi na ako kabahan sa mga gagawin ko. Siguro ilang taon pa ang lilipas para tuluyang maging maayos ang trabaho ng mga psychometrician dito sa bansa.

Salamat sa pagbabasa at kung may masama kayong sasabihin sa akin, gusto kong maranasan ninyo kung ano ba talaga ang trabaho ko para maintindihan niyo ako, okay lang sa akin na gawin kayong reliever for 1 week para mas maintindihan niyo ang sitwasyon ko at makapagpahinga rin ako. Itatago ko ang katauhan ko, at sa mga nakakaalam kung sino ako, sana maintindihan niyo rin ang pinagdadaanan ko at isainyo niyo na lang ang katauhan ko. Haha.
Salamat ulit.


By:  Xyfer