Showing posts with label first year. Show all posts
Showing posts with label first year. Show all posts

Wednesday, June 11, 2014

Unang Taong Anibersaryo ng ating Blog


image source - http://www.qandun.com/wp-content/uploads/2013/03/HappyAnniversary.175114211_large.jpg


Maligayang Anibersaryo sa ating Blog, sa mga bloggers natin at lalo na sa mga nagbabasa nitong ating blog! 
(Happy Anniversary to our Blog, to our bloggers and most especially to our readers!)

Sinimulan ang blog na ito dahil sa kakulangan ng mga impormasyon ukol sa Psychometrician Licensure Exam na noong nakaraang taon (2013) ay may mga balita na ipapatupad ito. Subalit malaking pasalamat ng lahat at hindi natuloy, nalungkot din syempre ang ilan na nag-review tapos maghihintay pa pala sila ng isang taon. 


Ilang araw at buwan din naming sinubaybayan ang mga websites ng CHED, PAP at PRC para sa mga announcements at makapigil hiningang paghihintay kung tuloy ba o di tuloy ang exam. Sa kalaunan lumabas din ang announcement na sa Oktubre 2014 na ito gagawin. 


Gayon din sa pagpasa ng mga requirements kailangan pang bisitahin ang PRC para malaman kung kailan pwedeng magpasa ng mga requirements para mag-board wala pa rin hanggang sa ngayon (as of writing)  mabasa sa webpage ng PRC at ng Board of Psychology ang ukol dito. Nadiskubre na lang natin nang  nakaraan na pwede na pala ang online application sa PRC subalit walang linaw pa noon kung kailan maaring magpasa at paano magpasa ng mga requirements - bagay na aming isusulat at i-blog kapag nagawa na namin. Kasalukuyang inihahanda pa namin ang mga kung anu-anong  mga requirements.


Kaya kung hindi ka handa ay malamang kung saan ka papapuntahin at ipapasa. Katulad na lang ng kwento ng isang kakilala na napapunta doon sa pagpapasahan ng requirements para sa nag-avail ng grandfather clause ng batas o RA 10029 - doon sa hindi kukuha ng board dahil sa matagal na nilang karanasan sa pag-practice ng psychology o bilang psychometrician (guidance counselors, teachers, psychometrician, etc). 


Paano naman ang mga nasa probinsiya malayo sa Manila, o kaya mga self-review lang at walang access sa mga impormasyon nakukuha tulad  ng mga nasa review centers. Kaya ito po ang naging dahilan natin para mag-blog - ang ibahagi sa inyo ang ilang mga ng kaalaman, impormasyon o update na nakukuha namin na napaka-dalang mabasa at makita offline man o online. 


Laking pasalamat din sa mga nagse-self-review at lumabas na ang Tables of Specificications (TOS). Ngayon mas alam na ang bagay na dapat aralin at i-review. Kung kaya't patuloy kami sa pag-aaral at pag-review para sa paggawa ng mga Review Guides at Quizzes.

Kaya sana po kasama din namin kayo na tumulong ipaalam ang ilang mahalagang mga impormasyon sa mga kapwa natin kukuha ng Licensure Exam para sa Psychometrician.


At sa ating unang taon,  nais nating ibahagi ang ilang infographics sa ibaba na  naabot na ng ating blog - mga statistics sa ating pageviews, traffic sources, posts, at iba pa. Kabilang ang posts na ito mayroong 109 posts na tayong nai-blog. May ibang buwan na masipag at naka-30 posts tayo, may buwan naman na 2 lang ang aming nai-post.


Pataas ang bilang ng nagbabasa ng blog. 
Hindi bumababa ng 500 ang pageview sa isang araw.


Pinakamaraming hits/pageviews ang post ukol sa 
Review Centers.


Syempre naman Pilipinas ang pinakamaraming 
mambabasa ng blog. Poland, hmmmm....


Marami gamit ang PC/laptop sa pagbabasa ng blog, subalit  pataas din ang bilang nang gamit ay ang kanilang tablet/smartphones at android ang OS.

  
I-google mo!
Google search ang pinagmumulan ng maraming 
traffic at pumapangalawa ang Facebook.



Kung gustong subaybayan ang ating mga blog posts at iba pang updates mangyari lang na idagdag kami sa mga sumusunod: