Showing posts with label notice of admission. Show all posts
Showing posts with label notice of admission. Show all posts

Wednesday, September 3, 2014

General Instruction to Examinees found in your NOA


Back of the NOA.



Check and do not ignore the back part of your Notice of Admission (NOA). Below are important instructions that should be observed at all times during the examination. A similar instruction will be reiterated once the program of licensure exam for Psychometrician will be out containing the schedule/date/time and particular subjects that will be taken up on 28-29 October 2014.


General Instruction to Examinees 

1. Bring this Notice of Admission (NOA) every examination day.


2. Attend to your personal needs before the start of examination in every subject. No examinee will be allowed  to go out of the examination room while the examination is in progress.

3. Stop answering the test questions at the end of the time allotted for the subject. Arrange your test papers as follows:
            a) Notice of Admission
            b) Answer Sheet
            c) Test Questionnaire

4. Do not leave the room until:
            a)  your test papers are received by the Room Watcher,
            b) you have signed, indicated the time and set (A or B) on the Examinees Record of Attendance 
            c) the lower portion of your Notice of Admission (Certification on the Receipt of Test Papers) is
                signed by the Room Watcher and returned to you.


Front and bottom part of the NOA.



Prohibited Acts

1. Accepting or receiving anything, including food from any person while the examination is in progress.

2. Giving money, food, or any favor and other consideration to the Room Watchers and other examination personnel.

3.  Loitering, talking, or discussing your answers inside the room or along the corridor while the exam is in progress.

4. Taking out of the examination room any questions used in the examination, copying, and or divulging or making known the nature or content of any examination question or answer to any individual or entity. When you are through with the examination, return unused answer sheets or any other test materials furnished you by the Room Watcher.

5. Copying or referring to any solution, answer or work of another examinee or allowing anyone to copy or refer to your work, helping or asking help from any person or communicating with anyone by means of words, signs, gestures, codes and other similar acts which may enable you to change, impart or acquire relevant information.

6.  Bringing inside the examination rooms the following: books, notes, review materials and other printed materials containing principles or excerpts thereof, coded data/information/formula which are relevant to or connected with the examination subject, programmable calculators, cellular phones, beepers, portable computers or other similar gadgets/devices. The act shall be considered cheating and/or act of dishonesty and shall be a ground for the cancellation of your examination papers and suspension or debarment from future licensure examinations. (PRC Resolution No. 463 dated November 27, 1995).


Maintain discipline at all times. Any misconduct or irregularity on your part or any violation of the examination rules and regulations and instructions 
will be sufficient cause for the cancellation of your examination papers and your debarment from 
taking any future licensure examination.


What to bring:
  • NOA (Notice of Admission)
  • PRC Official Receipt
  • Pencils No. 1 or 2 
  • Ballpens (Black ink only)
  • 1 pc Window Mailing Envelope with Metered postage stamp
  • 1 pc Long Brown Envelope
  • 1 pc Long Transparent (Non-colored) Plastic Envelope    




Tuesday, July 1, 2014

Steps in Filing Application for Psychometrician Licensure Exam at PRC Manila

Maraming salamat kay Riyan for sharing her experience of filing her application for the Psychometrician Licensure Exam at the PRC- Manila.




Sa paglalakad pa lang ng mga requirements 
para na rin tayong sinasala.



Nagstart ako sa paglalakbay ko after ko gawin yung online sa Professional Regulation Commission (PRC).

(Sundin niyo lang po yung online submission sa PRC sa blog na ‘to. :)  )

Sinunod ko lang yung mga nakalista na requirements. Ang aga ko nga nilakad yung mga yun. Mabuti na lang last year nagstart na ako maglakad kasi mga 2 months ako pabalik-balik sa requirements siguro kasi hindi ako ganoon kaswerte sa pag-aayos. Pero sa iba naman nadalian lang sila kaya wag mawalan ng pag-asa! :) 

Nahirapan ako maglakad ng NBI clearance kasi sa mga satellite nila mahaaaabaaaa talaga yung pila (parang audition talaga ng pag-aartista). Mabuti na lang, nakakita ako ng mga blogs para mapabilis yung paglalakad ng NBI at makaiwas hassle. Sa main ako nagpunta, to be particular sa Taft/UN Avenue. Pero make sure na nagonline kayo, nagfill-up  dito:

 http://nbi.njis-ph.com/


Kailangan i-print niyo rin yung finill-up sa online ng NBI, may mga paraan naman po para masave sa pdf file. Kapag nagawa niyo na yan, pwede na kayo magpunta kinabukasan sa main (sa Taft). Maganda ang online kasi priority sa main yun, biruin mo STEP 3 ka na kapag online ka? Yung step 3 deretso bayad na yun sa cashier (115.00 pesos po ang bayad). Sa experience ko maiksi lang ang pila kanina. 4:30 ng umaga umalis na ako sa bahay. Mga 5:15 nandoon na ako. 6:30 nasa kamay ko na yung clearance. Mabilis di ba? Kapag sa ibang branch kayo grabe 2:30 AM dapat nakapila na kayo tapos ang bukas ng mall mga 10 AM. Sinumpa ko yang experience na yan noon. Kaya try niyo sa main na lang saka isa pa ANG BABAIT ng mga nasa MAIN ng NBI saka MABILIS. Hinding-hindi ka maliligaw kasi ang laki ng karatula. :) 

After ko sa NBI, deretso agad ako ng PRC. Malakas loob ko dumeretso ng PRC kasi complete naman yung requirements ko saka nagonline na rin ako sa website nila.



Para po sa mga PUPian na tulad ko, hindi tinanggap yung CAV (basta po yung related sa Special Order sa TOR na ginastusan ko tapos hindi naman pala tatanggapin :) ) kasi po State University daw po tayo at understood daw po na hindi nagrerelease ang PUP ng SO sa TOR. Saka nagpagawa po pala ako ng TOR na may remarks ng “For Board Examination Purposes Only” sa PUP Main Campus na nagkakahalaga ng 350.00 pesos. Isang buwan bago makuha sa South Wing ng Building natin. 

Balik po sa PRC, mga 8 AM pwede ka na agad makapasok sa building. Maaga din kayo dapat para iwas sa hassle. Ang konti namin kanina sa 3rd floor para magprocess ng requirements. 

Step 1 maghuhulog lang ng passport picture. (nameplate po sya pwdeng sa computer lang po nilagyan ng full name kc puro ganun po ung pinapasa saka may sample sa prc website dn po) 


Step 2 Assessment ng requirements. May babayaran kang 63 pesos doon kasi may ididikit silang stamp sa papers mo tapos ibibigay sayo itong Permanent Examination Card and Registration Record Card na dapat mong sagutan (yung glue saka pang thumbmark nasa likod lang ng table, makikita niyo yun):

Hintayin lang matawag yung pangalan mo para ibigay yung printed na application mo kasama na din nung sinagutan mo. 

Step 3 Magbabayad ka sa cashier doon din mismo sa 3rd floor. (Don’t worry tabi-tabi naman sila at makikita mo agad). 

Step 4 irerelease na yung NOA (Notice of Admission) sa katabi lang din kung saan ka nagbayad. PERO bago marelease yung NOA mo, make sure na pumunta ka sa baba para bumili ng Documentary Stamp (may window doon malapit din sa entrance at 21 pesos lang po yun, ididikit yun sa document na binigay sayo sa step 2). After malagay yung document stamp, ibigay mo na sa releasing yung mga papel na hawak mo (dapat may right thumb mark mo yung document, pirma, etc).  Ibibigay din sa’yo yung NOA (Notice of Admission) tapos pwede ka ng umuwi. Hihintayin mo yung announcement 2 days before the exam kung saan room ka magtatake. :) 

Goodluck guys! 

Image of Notice of Admission

By:
Riyan


Friday, June 27, 2014

Notice of Admission for Psychometrician Licensure Exam released in Iloilo

Image source - http://i48.tinypic.com/ek2o80.jpg

DIY (do-it-yourself) talaga yung pagprocess ko as first timer, so trial and error talaga. 

Mababait naman mga taga-PRC Iloilo they guided me naman throughout sa basic requirements na kaloka. Siguro try nyo na lng muna na walang notary, original copy naman yung kukunin nila. I was told naman na same requirement lng sa ibang PRC. I really do hope so!

First po na ginawa ko is gumawa ng account sa PRC online and printed it, after ko na collect na yung mga said requirements eh pina-photocopy ko lahat except po sa mga good moral.

Sa labas ng PRC-Iloilo may mga net cafe na pwede dun mag print sa initial registration, about Php 25. Sa entrance plng po tinitingnan na ng guard if complete na yung basic requirements before ka bigyan ng number for pre-assessment.

Yung NBI clearance na original yung kukunin nila and all certificates of good moral character. Make sure lng po na dala nyo din mga original documents kasi they check it out thoroughly talaga.

May mga form sila na bibigay to fill up and may pre-assessment pa ng documents before paying (so, they tell you if may kulang pa, etc.) After paying po, yung officer naman yung mag re-recheck ng lahat ng documents if tama and if may naka-lusot may mga wrong data (like sa akin, pinaulit pa good moral ko again for the nth time). Pag pasok nyo po sa PRC may mga guard din cguro na tutulong mag assist sa process.

Php 900.00 po ang bayad ng filing of application.

Yung passport ID picture dapat not edited talaga with your name and logo.

Nahirapan ako sa good moral as in. Dapat most recent na good moral like sa grad school, employer, church or bgry captain. Not valid na po yung mga college and HS goodmoral unless fresh graduate. Hinde naman notarized yung Certificates of Good Moral Character ko pero may mga dry seal naman ng church and school so okay naman daw. And paki take note nalang na dapat may keyword talaga na "she/he is with good moral character etc" sa mga certificates nyo. Very strict kasi talaga sila.

Madaming rumors kasi na dapat 5 units talaga yung Psychological Assessment na course. Mahirap pa naman kumuha sa CHED ng certification sa equivalency. Pina-certified true copy ko nalang yung letter from our school then isinama ko nalang sa TOR ko. Letter of equivalency nga lang yung alam ko tawag dun.

Notice of Admission and General Guidelines to Examinees
we intentionally covered the foto and personal details of Ming  for her privacy.


After, you will get Notice of Admission and a copy of guidelines for board exam. Manila pa yung location ng exam sa NOA.  After na okay na yung documents they will print your NOA w/picture.
Around 30 din siguro kami na nag-apply and  I am the first one palang to get NOA here. Sana there will still be changes and we can have our exam here in Iloilo kapag malapit na ang schedule ng exam.

Maraming salamat kay  "Ming" for sharing to us ang kaniyang experience sa pag-file ng kaniyang application sa PRC-Iloilo and foto ng kaniyang NOA 

This is the first time we have learned about this experience from an applicant from the region, we haven't learned from anyone from Manila (no one has shared so far) about their experience filing their application for the Psychometrician Licensure Exam. We are very much interested to know, soon we will also be filing our application and submitting those requirements to PRC-Manila.