Maraming salamat kay Riyan for sharing her experience of filing her application for the Psychometrician Licensure Exam at the PRC- Manila.
Sa
paglalakad pa lang ng mga requirements
para na rin tayong sinasala.
Nagstart ako sa paglalakbay ko after ko gawin yung online sa Professional Regulation Commission (PRC).
(Sundin niyo lang po yung online submission sa PRC sa blog na ‘to. :) )
Sinunod ko lang yung mga nakalista na requirements. Ang aga ko nga nilakad yung mga yun. Mabuti na lang last year nagstart na ako maglakad kasi mga 2 months ako pabalik-balik sa requirements siguro kasi hindi ako ganoon kaswerte sa pag-aayos. Pero sa iba naman nadalian lang sila kaya wag mawalan ng pag-asa! :)
Nahirapan ako maglakad ng NBI clearance kasi sa mga satellite nila mahaaaabaaaa talaga yung pila (parang audition talaga ng pag-aartista). Mabuti na lang, nakakita ako ng mga blogs para mapabilis yung paglalakad ng NBI at makaiwas hassle. Sa main ako nagpunta, to be particular sa Taft/UN Avenue. Pero make sure na nagonline kayo, nagfill-up dito:
http://nbi.njis-ph.com/
Kailangan i-print niyo rin yung finill-up sa online ng NBI, may mga paraan naman po para masave sa pdf file. Kapag nagawa niyo na yan, pwede na kayo magpunta kinabukasan sa main (sa Taft). Maganda ang online kasi priority sa main yun, biruin mo STEP 3 ka na kapag online ka? Yung step 3 deretso bayad na yun sa cashier (115.00 pesos po ang bayad). Sa experience ko maiksi lang ang pila kanina. 4:30 ng umaga umalis na ako sa bahay. Mga 5:15 nandoon na ako. 6:30 nasa kamay ko na yung clearance. Mabilis di ba? Kapag sa ibang branch kayo grabe 2:30 AM dapat nakapila na kayo tapos ang bukas ng mall mga 10 AM. Sinumpa ko yang experience na yan noon. Kaya try niyo sa main na lang saka isa pa ANG BABAIT ng mga nasa MAIN ng NBI saka MABILIS. Hinding-hindi ka maliligaw kasi ang laki ng karatula. :)
After ko sa NBI, deretso agad ako ng PRC. Malakas loob ko dumeretso ng PRC kasi complete naman yung requirements ko saka nagonline na rin ako sa website nila.
Para po sa mga PUPian na tulad ko, hindi tinanggap yung CAV (basta po yung related sa Special Order sa TOR na ginastusan ko tapos hindi naman pala tatanggapin :) ) kasi po State University daw po tayo at understood daw po na hindi nagrerelease ang PUP ng SO sa TOR. Saka nagpagawa po pala ako ng TOR na may remarks ng “For Board Examination Purposes Only” sa PUP Main Campus na nagkakahalaga ng 350.00 pesos. Isang buwan bago makuha sa South Wing ng Building natin.
Balik po sa PRC, mga 8 AM pwede ka na agad makapasok sa building. Maaga din kayo dapat para iwas sa hassle. Ang konti namin kanina sa 3rd floor para magprocess ng requirements.
Step 1 maghuhulog lang ng passport picture. (nameplate po sya pwdeng sa computer lang po nilagyan ng full name kc puro ganun po ung pinapasa saka may sample sa prc website dn po)
Step 2 Assessment ng requirements. May babayaran kang 63 pesos doon kasi may ididikit silang stamp sa papers mo tapos ibibigay sayo itong Permanent Examination Card and Registration Record Card na dapat mong sagutan (yung glue saka pang thumbmark nasa likod lang ng table, makikita niyo yun):
Hintayin lang matawag yung pangalan mo para ibigay yung printed na application mo kasama na din nung sinagutan mo.
Step 3 Magbabayad ka sa cashier doon din mismo sa 3rd floor. (Don’t worry tabi-tabi naman sila at makikita mo agad).
Step 4 irerelease na yung NOA (Notice of Admission) sa katabi lang din kung saan ka nagbayad. PERO bago marelease yung NOA mo, make sure na pumunta ka sa baba para bumili ng Documentary Stamp (may window doon malapit din sa entrance at 21 pesos lang po yun, ididikit yun sa document na binigay sayo sa step 2). After malagay yung document stamp, ibigay mo na sa releasing yung mga papel na hawak mo (dapat may right thumb mark mo yung document, pirma, etc). Ibibigay din sa’yo yung NOA (Notice of Admission) tapos pwede ka ng umuwi. Hihintayin mo yung announcement 2 days before the exam kung saan room ka magtatake. :)
Goodluck guys!
Image of Notice of Admission
|
By:
Riyan