Ang Kwelang Kwento ni Kuya Psych
ni Ian Rae Estores, RPm
I. ELEMENTARY and HIGH SCHOOL YEARS
Suki ng Guidance Office dahil agresibo sa kaklase at mga guro, dahil sa panununtok ng kaklase at kahit mas bata, kahit mas matanda a sa kanya. Lahat ng siguro ng kabulastugang ginawa ko, nagawa ko na ata – lumayas, magtangkang magpakamatay at pumatay.
II. SUMMER 2010
Hindi pa rin sigurado kung itutuloy pa rin ba talaga ang pangarap kong kurso, ARCHITECTURE, pinuntahan ako ng kaibigang pari ng nanay ko.
“Ano ba talagang gusto mo?”
“Maging Architect po!” (May doubt kahit papaano)
“Alam mo maganda yung Clinical Psychology.” – gusto ng nanay at kapatid ko para sa akin.
“Hehe”
Simula noon, napaisip ako kung ano ba talaga yung PSYCHOLOGY. Akala ko noon, yung pinag-aaralan doon ay yung pagapalutang ng mga gamit (telekinesis), pag-“hunt” ng mga multo (paranormal ‘hunting’?) o kaya pagbabasa ng isip (wrong notion ng karamihang Pilipino). Nakakatawa ‘di ba? Oo! ‘Yan yung mga bagay na naisip ko kung ano ba yung mga pinag-aaralan doon. No joke ‘yun!
Tumatawa ka pa rin ba? ‘Wag kang mag-alala, ‘yun yung in-enroll kong kurso!
III. SUMMER 2011
Inaayos ko na lahat dahil mags-shift ako ng kurso- from PSYCHOLOGY to OCCUPATIONAL THERAPY – anong nangyari? Siguro hindi talaga para sa akin ang PSYCHOLOGY – hindi ko pa kasi natutunan ang pagpapalipad ng mga gamit eh (SADNU?) – dahil doon, kinausap ako ng Chairperson ng Psychology Department na ituloy ko pa kahit konti na lang (may nakita sigurong potential sa akin- konting practice pa daw!)
IV. COLLEGE YEARS (2011-2014)
Tinuloy ko pa rin ang pag-aaral ng Psychology kahit hindi talaga ito ang gusto ko. Walang magagawa (learned helplessness), kailangan ko talagang tapusin eh. Pinagdaanan ko ang malulupit na subjects – Psychological Statistics at Counseling – dahil “terror” ang professor at hindi ako empathic. Flat affect ako kadalasan lalo na sa mga bagay na hindi patok sa panlasa ko at dahil dito, maraming nagsasabi sa akin na hindi talaga bagay sa akin ang Psychology. (Well, I proved them wrong!)
Sa subject na Abnormal Psychology, tumatak sa akin yung report ko about sa Dissociative Disorders ang Dissociative Identity Disorder (MPD/ DID). Isa sa paborito kong disorders ang DID dahil sa astig na description nito at pati na rin ang Aperger’s Disorder dahil nabasa ko siya sa isang novel ni Jodi Picoult (House Rules).
Internship ang pinakapaborito kong part ng last college year ko kasi maa-apply ko na ang natutunan ko sa pagpapalipad ng mga gamit! YEEES! To be specific, clinical internship ang pinakagusto ko sa lahat. ‘Yung feeling na hindi mo maiwanan yung institution (na-delay ako sa 2 kong huling internships) dahil sa mga co-interns mo and sa mga patients na nakikita mong masaya – the best feeling ng isang Psychology student or Clinical Psychologist na siguro ‘yon (hindi ako flat affect).
V. SUMMER 2014
Nag-post ako sa Tumblr tungkol sa pangarap ko. Sad to say, related career/s sa Psychology ay hindi kasama doon. Iba pa rin talaga ang sinasabi ng puso’t isip ko- pagsusulat at pagguhit. Sa edad na 20, na-experience ko (hanggang ngayon) ang identity crisis. Lahat naman siguro tayo takot sa hinaharap (NO EXCEPTIONS!), ‘yung mga tanong na ‘Ano ba talaga ang role ko bilang isang tao?’ o ‘Itutuloy ko ba yung napagtapos ko?’, ‘yan kadalasan ang mga tanong natin sa sarili lalo na sa mga taong napilitan lang sa kurson natapos nila.
VI. THE PREPARATIONS, OBSTACLES, and THE BLEPP EXPERIENCE
By April, dahil bored sa bahay, COC lang pampalipas oras ko. Alam ko na may board exam na for Psychometricians and Psychologist but I don’t care! Hindi ko naman pinangarap ‘yun!
By May, confused pa rin ako kung ano bang gagawin ko. Pa-FB-FB lang, scroll up, scroll down. Voila! May post ang Psychological Association of the Philippines (PAP), konting click at basa lang saglit sa timeline at nakita ko yung cover photo nila:
Nung nakita ko ‘yun, agad kong hinanap yung librong kasama sa kit sa PAPJA 2014 at binasa ko ‘yun:
“Important milestones to be an inspiration and to achieve aspirations.”
Na-motivate ako para kumuha ng board examination at alam kong may sinasabi sa akin kung bakit nagpakita sa FB ko ‘yung PAP (delusion of reference).
By June, nag-enroll ako sa isang review center, wala pa akong na-aaral dun sa 4 na subjects (happy-go-lucky talaga ako). New people, new friends and new learnings – hindi ako sumama sa mga classmate ko na nasa ibang review center para maiba naman makita kong pagmumukha pati na rin may makilalang bagong kaibigan at to be more motivated to study (konyo tone).
Naging isa sa high scorers sa Theories of Personality, I still doubt my knowledge and abilities. “Dito lang ako mataas. Hindi naman sure na papasa ako sa board exam dahil lang dito.”, sabi ko sa sarili ko. Uncertainty – ‘yan ang pinakaproblema ng 1st takers, hindi mo alam kung tama ba ang reference na binabasa mo o kung yung mga questions ba na nababasa mo sa
Philippine Psychometrician Reviewer ang lalabas (special mention).
By August, dahil sa doubt ko sa sarili, nag-apply ako sa isang clinic (in-case na bumagsak sa examination) at nakuha ko naman ang trabaho! ‘Wag mo nang itanong kung ilang buwan ako nagtagal doon kasi hindi umabot ng 1 buwan. Focused na ako sa pag-aaral ko sa board exam and other personal matters (kasama na yung pagkumpleto ng requirements for PRC) kaya may role confusion na nangyari. After that, almost 1 month kong pinagisipan kung ito ba talaga ang gusto ko – ‘yung pagkuha ng board exam. Ang ewan talaga ng feeling ko during that month.
Depression, anxiety, binge-eating due to stress, insomnia at encopresis (joke lang!), ‘yan yung mga naranasan ko habang papalapit na ang mismong araw ng board exam. Yung huli kong tingin ay ’70 DAYS BEFORE BLEP’ tapos bigla na lang naging ’20 DAYS BEFORE BLEP’.
“S-E-R-I-O-U-S-L-Y!!!???”
Ganon pala talaga kabilis: ‘pag may inaantay ka, its either na minamadali mo ang sarili mo o mas nagiging mabilis lang talaga mga pangyayari sa paligid mo (‘wag kang mag-alala, dadating din ang taong para sa’yo).
5…4…3…2…1 DAY BEFORE BLEPP!!! Tug-dug-tug-dug-tug-dug… Oh my GGGGG!!!
“Bukas na ang mismong araw ng exam”
Konting basa lang ng Theories of Personality at Industrial Psychology sa umaga at sa hapon naman scan lang sa Abnormal Psychology and Assessment, partida: bantay ako sa tindahan kasi ako lang mag-isa sa bahay, bale bawas pa yung nilaan kong oras para mag-aral.
“Bahala na! May tiwala ako sa sarili ko. Alam kong ito ang gusto Niya para sa akin!”
VII. 1ST DAY (OCTOBER 28)
Nagising ako ng bandang 2 AM para mag-scan, natulog saglit at nag-text na ako sa mga kakilala kong test takers ng GOODLUCK. Habang naliligo, iniisip ko na professor ako na tinuturo yung theories nila Freud, Jung, Adler, Allport, Horney at Fromm sa tubig. Ang galing kasi attentive sila!
Sinamahan ako ng kapatid ko sa MLQU para suportahan ako. ‘Pag baba ng jeepney ang daming mga naka-uniform and white polo shirts, may nakita nga akong may naka-gray eh! Ang dami pala talagang test takers: from 20s to 50s siguro yung isa kong nakita and from different regions pa! Salu-salo ng mga Sikolohista – pangalawa na ito sa PAPJA kung ganon!
Maraming nagbabasa ng notes, may mga mini reunion sa hallways, kaway doon, kaway dito. Nakita ko mga co-interns ko at yung mga classmates ko sa review center. “THIS IS IT!” kahit na kinakabahan ako, OK lang sa akin kungbumagsak this is also an experience of a 1st timer.
“Easy lang yung exam!”
“Ang hirap nga eh!”
Ilan lang ‘yan sa mga narinig ko sa nag-uusap na examinees.
Oo, madali nga yung T.o.P at Industrial Psychology (yabang!). Kampante ako sa resulta nito at binilang ko pa mga sure kong tamang sagot, buti pasok sa baseline na 60%.
VIII. 2ND DAY (OCTOBER 29)
Walang review sa ethics, common sense ang puhunan. Naiwanan ko pa reviewer ko sa Abnormal Psychology.
Ang huling 2 subjects na masakit sa ulo dahil sa sobrang daming terms na kakaiba (hindi pa kasama ang mga specific phobias) at mga bagong terms. Kabado ako sa Abnormal Psychology, hindi ko alam kung tama ba yung mga pinagsasasagot ko. Ginamit ko talaga talino ko! (HAHA!)
Nung Psychological Assessment na: HAHAHAHAHA..HEHEHEHEHE…HUHUHUHU!
“Ano ‘tong mga tanong na ‘to?”, nasabi ko sa sarili ko.
Naging anxious ako sa Psychological Assessment, hindi ata talaga ako papasa. Scan muna ng test questionnaire – from page 1: Ang hirap ng mga tanong, sinimulan ko naman sa last page: Mahirap pa din mga tanong. Inumpisahan ko sa mga questions na mahirap. Gumamit pa ako ng calculator para: maging anxious ibang examinee (bad boy…joke lang!) at para malaman ko yung code na in-implant ko sa utak ko kasi medyo slow ako sa numbers and kakaibang terms, prepared ako sa mga ganoong bagay.
TAKE NOTE: WALA pong KODIGO sa calculator ko. Eto yung clue sa sinasabi ko, sigurado akong alam niyo ‘yan: 34-13-2/ 68-95-99.
Mas mabuti nang bumagsak ako ng totoo, kaysa naman pumasa ako dahil sa nangodigo lang ako!
After ng exam, nagsimba ako at mga kasamahan ko sa may SSC-R at kumain para mag-celebrate dahil nabawasan na kami ng malaking STRESS!
Masaya ako sa performance ko sa 4 na exams. Kahit hindi ako sigurado sa resulta, may tiwala pa rin ako sa sagot ko (‘yun ang pinakamahalaga!).
IX. THE RESULTS ARE IN… DIM THE LIGHTS AND HERE WE GO! (NOVEMBER 4)
Inaantay ko pa rin ang resulta. Dinownload ko pa yung SPERM app ng SPARK, naghintay ako ng ilang oras--- WALA PA RIN at biglang may nag-comment sa isa kong group.
“Congratulations Ian!”
“Huh? Pasado ako?”
*walang reply*
“Link naman diyan.”
*post ng link*
Still loading ang website ng GMA. Ang tagal lumabas ng content. Nanginginig at giniginaw ako (isa kong sign na may good news talaga o kapag kinikilig ako. Pwe!) kahit na hindi ako sigurado kung pasado ba talaga ako.
May mga nagte-text na sa akin, hindi pa rin lumalabas yung content sa website ng GMA. Ate ko pa unang nakakita ng mismong list! Biglang may tumawag sa akin at congratulations nga daw.
Nakita ko rin pangalan ko sa list ang nagpost na ako ng status at picture ng list kung saan nandun yung pangalan ko. 50-50 yung naramdaman ko- magiging masaya ba ako dahil pasado ako o magiging malungkot ako kasi ilan sa mga kakilala ko hindi nakapasa – kaya medyo guilty din ako sa pag-post ng picture habang cine-celebrate ko yung pagkapasa ko.
(Ang dami kong pinagdaanan bago ko malaman kung ano ba talaga yung gusto ko. Maraming nagbago sa akin nung panahong pinaghahandaaan ko yung BLEPP. Kung maaalala niyo yung conversation ko sa isang pari, Clinical Psychology ang napupusuan ko ngayon at syempre dahil hilig ko ang pagbabasa at pagsusulat, nakikita kong magiging successful ako pagdating sa Research. Hanggang ngayon, iniisip ko na may mga bagay na kahit hindi natin gusto ay ‘yun pa yung mga bagay na pinagsisiksikan sa’yo ng nasa paligid mo.
Tuwing babalikan ko yung mga nangyari sa akin, masasabi ko na: “May rason pala talaga kung bakit nangyayari sa atin yung mga bagay-bagay.” Para sa akin ang pagiging Psychometrician na ang isa doon. Ngayon, alam ko na kung ano ang dapat na ip-pursue kong career at ang sarap sabihin na:
“’Yung akala kong matututo ako ng TELEKINESIS, doon ko pala matututunan yung NEUROSIS at PSYCHOSIS!”)