After ng board exam, nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagtrabaho sa isang
company na exclusive distributor ng school supply na related sa ballpens,
markers, highlighters, coloring materials pero pinaka kilala sa kanila ay ‘yung
ginagamit natin kapag naghihighlight tayo ng reviewer at libro natin. OO.
Nakapagwork ako roon pero after noon napadpad ako sa academe na
kung saan mas naramdaman ko ang tunay na saya!
Bakit masaya? Kasi bukod
sa mga bagets yung kasama ko (college level kasi sila at bagets rin ako), hindi ako
out of place at masaya naman ang class namin. So naging psychology instructor
ako sa dalawang state university. Nakapasok ako dahilan sa license ko saka dahil
kahit bata pa naman ako, patapos na ako sa Master’s ko (compre ko na po next
week, pagdasal n’yo ko please. :D ). Masaya naman ang experience at
nakakapagod. Lagi silang may paperworks at research kaya para mapagaan ang
pagod minsan nagkakaroon kami ng kwentuhan o kaya may hugot kami sa lessons.
Masaya! :) Yes! Pati students ko nahawa na rin sa akin. Hahahaha. Gusto
ko lang i-share sa inyo yung ilan lang sa hugot:
*****
When you hold one peso on each hand (one far away and one closer
at about half the distance) with one of your eyes closed, you will see that
both coins seemed to be on same distance or having the same size. But when you
open your other eye (both eyes open this time), the coins no longer appear to
be right next to each other.
Hugot: "Open your eyes to see the reality. Akala mo okay na,
'yun pala wala pa pala sa kanya. Akala mo kayo na, 'yun pala ikaw lang may
alam. Akala mo close kayo, sa kanya hindi pa pala." </3
*****
Student: (Nagpresent ng maraming digits sa class para mavalidate
kung ilan lang capacity ng short-term memory) Nahirapan ba kayo noong marami
na? (Pertaining to digits presented)
Class: Opo (Sabay-sabay nilang sagot)
Ako: Mahirap? Parang pag-ibig yan, hinay-hinay lang kasi.
Class: Opo (Sabay-sabay nilang sagot)
Ako: Mahirap? Parang pag-ibig yan, hinay-hinay lang kasi.
Lahat: *tawanan*
*****
What is 'extinction' in
Psychology?
The weakening of a reinforced operant response as a result of
ceasing reinforcement.
Parang sa love, yung dating ‘kilig’ o ‘lambing’ na napakarewarding
sa’yo ay nawala na. Ubos na. Yung ‘strengthened bond’ noon ay unti-unting
nanghihina kasi hindi na 'rewarding yung feeling. 'Wala na kasi yung positive
reinforcer (effort and time). Repetitive na ang pagpalya kaya
'disappointments','fights', o kaya naman 'tampo' ang mangyayari. 'Weakened
bond’ na sya pagtagal-tagal at dahil doon nawawala na yung 'kilig at lambing'.
Ang complicated kasi ng tao, may other factors kasi para nakakaapekto para
hindi mo mabigay yung full effort mo (example, time). Kaya kung minsan hindi mo
maiiwasan.
Good thing, may
spontaneous recovery naman tayo. ’Yan ay kung ma-revive.
*****
Sympathetic Nervous System ka ba?
Bumabanat: SNS ka ba? Kasi bumibilis tibok ng
puso ko at pinagpapawisan ako kapag nandyan ka.
Binanatan: Yes, Sympathetic Nervous System
ako. Kasi every time na nakikita kita, activated ang 'flight response ko'.
</3
*****
Kanina sa
Psychological Assessment Review:
Me: Discrete variable consists of separate,
indivisible categories. No values can exist between two neighboring categories.
Ex. Gender (Male/Female), Nationality, Occupation.
Tutee: Paano po yung feelings?
Me: HAHAHA (natawa sa
question)...well..."Ang LOVE dapat parang discrete variable,
INDIVISIBLE."
*****
Para akong 'P' sa psychology. Kasi nandito naman ako pero hindi mo ako nakikita. </3
*****
*****
Para akong 'P' sa psychology. Kasi nandito naman ako pero hindi mo ako nakikita. </3
*****
Hahaha. Sana more hugot
at fun pa sa Psychology. Gustong- gusto ko talaga ‘tong field na ‘to. Daming
nakakatuwang bagay na dapat malaman. Syempre maraming seryoso pero maraming
times rin dapat pinapagaan rin ang mga bagay.
S’ya nga pala,
magbabahagi ako ng ilang tips sa mga gustong magturo or mapunta sa academe. Ito
ang mga sumusunod:
1. Try niyo muna
magkaroon ng experience sa industry or clinical para may alam rin kayo kahit
paano kasi para may masasabi ka sa mga student mo kapag nagtatanong sila. Kasi
mahirap maipaliwanag ang isang bagay na hindi mo naranasan.
2. Mag
master’s degree. Nagiging mahigpit na kasi ang pamantasan ngayon, hindi sila
basta-basta tumatanggap. Sa akin, nagkataon lang na may experience na ako sa
work kahit paano, may license, saka malapit na matapos sa master’s ko. Siguro
naging advantage ko rin dahil noong college ko, naging active ako as psych
quizzer at nakapasok kami sa top 10 ng PAPJA before ako grumaduate.
3. S’yempre hindi
ka pwede maging instructor kung hindi mo <3 ang psychology. Dapat buong puso
mo s’yang mahal kasi mahirap magturo, hindi ka lang basta magsasalita.
Mag-iisip ka ng activities, experiments kung may laboratory kayo, mag-iisip
ka ng mga pautot (sorry for the term ahaha), magpapaliwanag
ka kung magtatanong sila, magcocompute ng grades, malulungkot sa ilan sa mga
grades kahit feeling mo ginawa mo na lahat (as in magbigay ng reference,
magdiscuss, at magpasaya) tapos may nakakuha pa rin ng mababang marka,
mapupuyat kasi may iba ka pang ginagawa, may magtatampo pa sa'yo kasi wala
ka ng social life, at s'yempre titiisin mo yung maraming papel sa
table mo na parang gusto mo na lang kumuha ng gasolina at sunugin ang lahat
nang iyon dahil sa dami (pero hindi pwede trabaho natin yun), titiisin mo h'wag uminom ng malamig, at kumain ng maraming chocolates para hindi
masira ang boses mo kasi 'yun na ang puhunan mo :( (feeling singer lang).
4. Dapat
open-minded ka kasi minsan may magshashare ng nabasa n’ya. Hindi naman
kabawasan na sabihin mong tama s’ya o first time mo marinig. Haha. Ako natutuwa
ako sa mga ganoong bagay kasi ibig sabihin interesado s’ya.
5. Have fun!
Makihugot ka kung may panahon pero dapat ding seryoso ka sa mga sinasabi mo
kapag may mga dapat din silang matutunan.
6. Huwag
maging panatag na alam na ang lahat. Tuloy-tuloy lang ang pagbabasa! Sa panahon
ngayon, ang daming alam ng students at madaming tanong na dapat mong sagutin.
Mabuti na lang rin mahilig ako magbasa.
7. Dapat maingat! Nako!
Lalo na yung mga terms! Kasi kapag mali ang naturo mo makakapekto yun sa alam
nila kapag nagtake sila ng board. Kapag hindi masyadong 'sure' magrefer ng
reference at balikan 'yung bagay na hindi malinaw. Mabuti nang maingat.
8. I-motivate ang mga
students na mahalin ang major nila. Ipaalam sa kanila ang mga opurtunidad na
nag-aabang sa kanila kapag pinagbutihan nila yung pag-aaral nila at ipaalam din
yung mga bagay na hindi rin maganda para malaman nila ang mga bagay na nangyayari
sa totoong buhay (Hal.Kung gaano kahirap maghanap ng work).
Sana
may napulot kayo kahit paano sa binahagi ko. Sa uulitin!
#RpmRIyan
#RPMnanagtuturongPsych #psychalagad #baguhan