Wednesday, September 23, 2015

RPM NA NAGTUTURO NG PSYCH SUBJECTS: MGA TIPS SA GUSTO MAG ACADEME AT ILANG MGA HUGOT




After ng board exam, nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagtrabaho sa isang company na exclusive distributor ng school supply na related sa ballpens, markers, highlighters, coloring materials pero pinaka kilala sa kanila ay ‘yung ginagamit natin kapag naghihighlight tayo ng reviewer at libro natin. OO. Nakapagwork ako roon pero after noon napadpad ako sa academe na kung saan mas naramdaman ko ang tunay na  saya!

Bakit masaya? Kasi bukod sa mga bagets yung kasama ko (college level kasi sila at bagets rin ako), hindi ako out of place at masaya naman ang class namin. So naging psychology instructor ako sa dalawang state university. Nakapasok ako dahilan sa license ko saka dahil kahit bata pa naman ako, patapos na ako sa Master’s ko (compre ko na po next week, pagdasal n’yo ko please. :D ). Masaya naman ang experience at nakakapagod. Lagi silang may paperworks at research kaya para mapagaan ang pagod minsan nagkakaroon kami ng kwentuhan o kaya may hugot kami sa lessons. Masaya! :) Yes! Pati students ko nahawa na rin sa akin. Hahahaha. Gusto ko lang i-share sa inyo yung ilan lang sa hugot:

*****
When you hold one peso on each hand (one far away and one closer at about half the distance) with one of your eyes closed, you will see that both coins seemed to be on same distance or having the same size. But when you open your other eye (both eyes open this time), the coins no longer appear to be right next to each other.
Hugot: "Open your eyes to see the reality. Akala mo okay na, 'yun pala wala pa pala sa kanya. Akala mo kayo na, 'yun pala ikaw lang may alam. Akala mo close kayo, sa kanya hindi pa pala." </3
*****
Student: (Nagpresent ng maraming digits sa class para mavalidate kung ilan lang capacity ng short-term memory) Nahirapan ba kayo noong marami na? (Pertaining to digits presented)
Class: Opo (Sabay-sabay nilang sagot)
Ako: Mahirap? Parang pag-ibig yan, hinay-hinay lang kasi.
Lahat: *tawanan*
*****

What is 'extinction' in Psychology?
The weakening of a reinforced operant response as a result of ceasing reinforcement.
Parang sa love, yung dating ‘kilig’ o ‘lambing’ na napakarewarding sa’yo ay nawala na. Ubos na. Yung ‘strengthened bond’ noon ay unti-unting nanghihina kasi hindi na 'rewarding yung feeling. 'Wala na kasi yung positive reinforcer (effort and time). Repetitive na ang pagpalya kaya 'disappointments','fights', o kaya naman 'tampo' ang mangyayari. 'Weakened bond’ na sya pagtagal-tagal at dahil doon nawawala na yung 'kilig at lambing'. Ang complicated kasi ng tao, may other factors kasi para nakakaapekto para hindi mo mabigay yung full effort mo (example, time). Kaya kung minsan hindi mo maiiwasan.
Good thing, may spontaneous recovery naman tayo. ’Yan ay kung ma-revive.

*****

Sympathetic Nervous System ka ba?
Bumabanat: SNS ka ba? Kasi bumibilis tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako kapag nandyan ka. 
Binanatan: Yes, Sympathetic Nervous System ako. Kasi every time na nakikita kita, activated ang 'flight response ko'. </3


*****

Kanina sa Psychological Assessment Review:
Me: Discrete variable consists of separate, indivisible categories. No values can exist between two neighboring categories. Ex. Gender (Male/Female), Nationality, Occupation.
Tutee: Paano po yung feelings?
Me: HAHAHA (natawa sa question)...well..."Ang LOVE dapat parang discrete variable, INDIVISIBLE."
  
                                                                      *****

Para akong 'P' sa psychology. Kasi nandito naman ako pero hindi mo ako nakikita. </3

                                                                      *****

Hahaha. Sana more hugot at fun pa sa Psychology. Gustong- gusto ko talaga ‘tong field na ‘to. Daming nakakatuwang bagay na dapat malaman. Syempre maraming seryoso pero maraming times rin dapat pinapagaan rin ang mga bagay.
S’ya nga pala, magbabahagi ako ng ilang tips sa mga gustong magturo or mapunta sa academe. Ito ang mga sumusunod:

1. Try niyo muna magkaroon ng experience sa industry or clinical para may alam rin kayo kahit paano kasi para may masasabi ka sa mga student mo kapag nagtatanong sila. Kasi mahirap maipaliwanag ang isang bagay na hindi mo naranasan.

2.  Mag master’s degree. Nagiging mahigpit na kasi ang pamantasan ngayon, hindi sila basta-basta tumatanggap. Sa akin, nagkataon lang na may experience na ako sa work kahit paano, may license, saka malapit na matapos sa master’s ko. Siguro naging advantage ko rin dahil noong college ko, naging active ako as psych quizzer at nakapasok kami sa top 10 ng PAPJA before ako grumaduate.

3. S’yempre hindi ka pwede maging instructor kung hindi mo <3 ang psychology. Dapat buong puso mo s’yang mahal kasi mahirap magturo, hindi ka lang basta magsasalita. Mag-iisip ka ng activities, experiments kung may laboratory kayo, mag-iisip ka ng mga pautot (sorry for the term ahaha), magpapaliwanag ka kung magtatanong sila, magcocompute ng grades, malulungkot sa ilan sa mga grades kahit feeling mo ginawa mo na lahat (as in magbigay ng reference, magdiscuss, at magpasaya) tapos may nakakuha pa rin ng mababang marka, mapupuyat kasi may iba ka pang ginagawa, may magtatampo pa sa'yo kasi wala ka ng social life, at s'yempre titiisin mo yung maraming papel sa table mo na parang gusto mo na lang kumuha ng gasolina at sunugin ang lahat nang iyon dahil sa dami (pero hindi pwede trabaho natin yun), titiisin mo h'wag uminom ng malamig, at  kumain ng maraming chocolates para hindi masira ang boses mo kasi 'yun na ang puhunan mo :( (feeling singer lang).

4. Dapat open-minded ka kasi minsan may magshashare ng nabasa n’ya. Hindi naman kabawasan na sabihin mong tama s’ya o first time mo marinig. Haha. Ako natutuwa ako sa mga ganoong bagay kasi ibig sabihin interesado s’ya.

5. Have fun! Makihugot ka kung may panahon pero dapat ding seryoso ka sa mga sinasabi mo kapag may mga dapat din silang matutunan.

6.  Huwag maging panatag na alam na ang lahat. Tuloy-tuloy lang ang pagbabasa! Sa panahon ngayon, ang daming alam ng students at madaming tanong na dapat mong sagutin. Mabuti na lang rin mahilig ako magbasa. 

7. Dapat maingat! Nako! Lalo na yung mga terms! Kasi kapag mali ang naturo mo makakapekto yun sa alam nila kapag nagtake sila ng board. Kapag hindi masyadong 'sure' magrefer ng reference at balikan 'yung bagay na hindi malinaw. Mabuti nang maingat. 
  
8. I-motivate ang mga students na mahalin ang major nila. Ipaalam sa kanila ang mga opurtunidad na nag-aabang sa kanila kapag pinagbutihan nila yung pag-aaral nila at ipaalam din yung mga bagay na hindi rin maganda para malaman nila ang mga bagay na nangyayari sa totoong buhay (Hal.Kung gaano kahirap maghanap ng work).
  

     Sana may napulot kayo kahit paano sa binahagi ko. Sa uulitin!


#RpmRIyan #RPMnanagtuturongPsych #psychalagad #baguhan



No comments:

Post a Comment