by Lady Psychologist
Bumagsak po ako sa Board Exam for Psychometrician at hanggang ngayon di ko pa rin matanggap dahil matagal ko yung pinaghandaan at handang handa po talaga ako. Nag-attempt akong mag apply for work at kahit natatanggap ako di ko kinukuha dahil laging sumasagi sa isip ko ang board na baka mapabayaan ko. So naisip ko mag focus talaga ako sa paagrereview.
Simula pa lang ng June 2014 nag review na ako. The first two months ng June at July ang ginagawa ko or review is puro reading at konting gawa ng lecture. Nag-aaral ako mula 10pm-3am Monday-Saturday. Minsan nangyayari na every other day. Kasi sobra antok ko at wala na ko maintindihan at nangyari pang nagkasakit ako almost one week. Pero nagcontinue agad ako afterko gumaling.
Bandang September, nagenroll na ko for review center late enrollee na ko dahil huli na nang nalaman ko ang tungkol sa review center na yun dahil ang alam ko puro malalayo. So yung first day ko huli na talaga ako. Kasi huling araw na yung topic sa Abnormal Psychology so dahil doon mas nagfocus ako kasi nga di ko na naabutan yung ibang topics sa Abnormal Psychology. At simula noong nag review center ako, everyday na ko nagrereview from 10pm-5am nagaaral ako.
Minsan nga nangyayari kahit may review ako that day na kailangan 7am plng umalis nako ng bahay. Ginagawa ko pa rin yung 10pm-5am kong pagrereview at umaalis ako ng bahay na walang tulog. So iyon ang hindi ko talaga matanggap dahil pinaghandaan ko iyon at marami din akong inayawan na work kasi minsan may nagtetext sakin for interview dahil nakita daw nila ang record ko sa iskul at nagustuhan daw nila yung performance ko tapos inayawan ko for review na wala namang nangyari.
Hanggang ngayon sa tuwing mag-isa ko naiisip ko yung mga nagawa ko na hindi pa ba sapat ang effort ko. Hindi naman po ako bobo. Nagtop naman ako sa iskul namin at sa totoo lang simula noong first year sa college every subject ng Psychology ako palaging highest. Nangyayari mang may mas mataas sakin minsan lang iyon at pangalawa lagi ako. Pero wala na akong magagawa naiisip ko kung magshi-shift na lang ako ng career na tatahakin ko sa twing tinatanung ako anu nang gagawin ko at kailan uli ako magtake.
I want to start a new life at ayoko ng makakita ng kahit anong related sa Psychology. Pero pagiging Psychologist talaga ang sinasabi ng nararamdaman ko. Buti nalng may ganito po kayong ginawa kasi wala akong makausap dahil di naman ako papakinggan ng mga tao dito sa bahay.
So thank you din at nakatulong naman din po itong page niyo sa pagreview ko.
(Note: We admire the courage of Lady Psychologist for sharing with us her experience. We believe that she's not alone - having done her best effort yet did not make it. Writing is a therapy, voicing out our frustrations can alleviate some of the pain we have. Sharing your story is very personal so we respect those who share their stories to heal as as well as to give hope to others. We hope that for those who did not pass, you will continue to pursue your passion and will be courageous to try it again.)
No comments:
Post a Comment