by Mary Anne Portuguez
May
e-mail kasi akong nareceived after ng oath-taking,"Ano ba ginawa sa board
exam?"
Ayun. Buti nakapagdocument ako. Hehe. Hindi ko na kailangan pa ipaliwanag mga ginawa ko dahil sa mga larawang nakunan ko.
Ayun. Buti nakapagdocument ako. Hehe. Hindi ko na kailangan pa ipaliwanag mga ginawa ko dahil sa mga larawang nakunan ko.
Hindi
ako nakapagreview center kasi mahal. Bale, review lang talaga sa sarili gamit
lumang books, ebooks, notes, tulong din ng online blogs tulad ng Philippine
Psychometrician Reviewer (psychometricpinas.blogspot.com) at mabubuti kong
kaibigan.
Naisipan
kong magdocument ng pagrereview ko sa loob ng 82 days bago ako magtake ng exam
sa dahilang naniniwala ako nang mga
panahon na iyon na papasa ako (fighting spirit talaga lakas) at gusto kong
maibahagi yung mga bagay na nangyari sa aking paglalakbay bago ako magtake ng board
exam.
Maraming beses din naman akong nabigo magreview kaya puro pagkain ang highlight ng araw ko. Kung minsan nga cheesy days, status lang sa facebook, movie marathon or series marathon, lalabas kasama yung mga importanteng tao sa buhay ko, at paggawa ng requirements sa graduate school. Grabe, mapapansin mo nga sa mga unang araw pa lang ng nakatakdang documentation ko may pagkain na talaga na highlight. Kaya nga naging bilugan ang katawan ko. hahahaha. Wala na akong exercise rin niyan.
Kung susuriin ang
mga larawan, makikita mong hindi lang ako naka-focus sa pag-aaral, makikita
mong may mga ilang bagay rin akong pinagkakaabalahan. Minsan kasi okay lang naman aminin na hindi naman tayo super sipag, na
mayroon ring mga araw na gusto natin maging masaya lang sa isang araw, na hindi
lahat ng oras dapat na igugol natin ang sarili natin sa pag-aaral dahil
kailangan din natin ang ibang bagay para mas umunlad tayo. Kung hindi ako nag give in sa kagustuhan kong subukan ang iba ng mga
panahon na iyan baka masyado akong na-stress. Kailangan lang talaga na minsan mag-enjoy at minsan dapat na seryosohin
ang mga bagay.Ibabalanse.
Gusto ko lang sabihin na huwag natin masyadong biglain ang sarili natin sa mga bagay na gusto nating makuha, kung minsan kahit paunti-unti okay lang naman. Hindi kailangan na magmadali. Saka wala naman magpepressure sa atin kundi sarili lang din natin kung hahayaan natin makinig sa sasabihin ng iba. Kung marami na silang narereview, hayaan niyo sila. May sarili kang oras, ang dapat mong gawin, gumawa ka ng sarili mong plan. Ikaw magdidisenyo. Pwede kang maglagay ng allowance na mag-enjoy ka at schedule na stringent. Basta dapat sa isang araw, kahit paano may nagawa ka, kung wala man siguraduhin na kinabukasan mababawi mo iyon.
Ito
ang summary ng shinare ko sa SPARK Review Center noong 2015 nang ma-invite ako:
1. Set Goals
2. Document your review/ Monitor your progress
3. Eat a lot of healthy food
4. Procrastinate in judicious doses.
Good
luck sa susunod na magboboard exam!
(Riyan is a lone passer of from PUP-Graduate School, Master in Psychology-Industrial Psychology Program with other passers of the same university but in a different program of the 2104 BLE for Psychometrician. She is one of the indefatigable admins of the Facebook Page Philippine Psychometrician Reviewer. She contributed this post - http://psychometricpinas.blogspot.com/2014/07/maraming-salamat-kay-riyan-for-sharing.html )
Below is creative photo journal on what Riyan calls her
82-day review-procrastination.
The result:
No comments:
Post a Comment