Showing posts with label De La Salle Araneta University. Show all posts
Showing posts with label De La Salle Araneta University. Show all posts

Sunday, November 16, 2014

The odds in my favor

The odds in my favor
by Ruby Ann M. Agulto, RPm
Professional Teacher & Registered Psychometrician


I finished my AB Psychology from De La Salle Araneta University in 2007. Imagine kung gaano na ko katagal na graduate? Nagsimula ako bilang HR Staff sa isang private company for 4 years and I decided to change my career path and studied Education units for one semester. Sinabi ko kasi noon gusto kong magwork sa school, and I was influenced by my mother, who is connected with the Deped school for a long time. Nagsawa ako sa office work at pakiramdam ko hindi ako na-challenge noon.  After finishing my educ units, I applied for the Licensure Examination for Teachers in 2012, luckily, with God’s help I passed the said exam.  I am now a public teacher in Secondary level, became a Guidance Teacher this school year since I have units in MAED major in Guidance & Counseling in Bulacan State University.

Nalaman ko lang na natuloy na rin sa wakas ang Board Exam for Psychometrician, medyo late na dahil June ko na nalaman mula sa isa kong kakilala, I grabbed the opportunity dahil ito naman talaga ang gusto ko ang magka-license to practice my profession.  Nagdalawang isip ako na magreview center kasi nagwowork ako, pero napilit ako ng boyfriend at mom ko dahil nga sobrang tagal ko nang graduate. Wala na ako halos alam sa criteria ng disorders, hindi ko na kasi naaral at nagamit.  Nalate na rin ako ng 2 weeks sa review center na inenrollan ko pero buti natanggap pa rin ako. Isa ako sa pinakamatanda doon, halos lahat sila fresh grads pero nakipagsabayan ako.  Mula noon, nagsulat na ako sa papel, ganito rin ang ginawa ko nung nagrereview ako para sa LET, nakasulat sa papel: “I can pass the board exam, tiwala lang”  At pagkagising ko, bago rin matulog lagi ko syang binabasa, everyday na rin ang prayers ko noon kasi totoo naman na pag lagi mo pinagdadasal, at malakas ang faith mo, makukuha mo ang gusto mo. At isa pa ayaw ko talagang bumagsak, ayoko masayang ang binayad ko sa review at ang tiwala sa akin ng mga mahal ko sa buhay. Pero sa totoo lang nahirapan ako pagsabayin yung work ko saka pag-aaral kasi bilang teacher, nag-aaral ka ulit, laging ganon, at nag-uuwi ka pa rin ng work sa bahay pag hindi na kaya sa school. Imagine that?

One week before the exam, hindi na ako masyadong nagrereview, basta tiwala na lang talaga sa mantra ko, may reflection din ako sa gabi.  Naglalaro na lang ako ng tablet, I don’t want to be pressured, whenever I hear someone saying that we need to review more, or may lalabas na ganito ganyan sa exam, ayaw ko na maniwala, para sa akin relax na dapat ako, nagtiwala na lang ako sa lectures ng review center at inaral ko ulit kung paano mag-analyze ng tamang sagot.  Nagpapicture din ako sa SM North Edsa sa Hunger Games “May the odds be ever in your favor” at ginawa kong fb profile pic.

Nung mismong araw na ng exam, Oct 28&29, kampante ako sa tatlong subjects, sabi ko mukhang papasa naman, sa totoo lang mas nahirapan ako sa Licensure Exam for Teachers kaya sinabi ko sa sarili ko hindi ako pwedeng bumagsak dito, either hindi nabasa ng machine or mali ang pagkaka-analyze ko ng choices. Tiwala lang talaga, pero sa Psych Assesment feeling ko tagilid ako, kinabahan na ako, nagdasal na lang talaga ako at sa kabila ng pagkakaroon ko ng ubo at sipon that day (dala siguro ng anxiety), binalewala ko na lang, concentration saka prayers lang talaga lalo na meron akong mga hindi sure na sagot.

Days passed and on the third day, I began to browse different sites where I could find the result, once released.  When there was this rumor that the release of the exam will be on Nov. 4, sobra na akong kinabahan, kahit na para sa akin intermediate lang ang exam, nawalan ako ng kumpyansa sa Psych Assessment subject kaya naisip ko baka mahatak yun at baka sumablay ako pero, dumating na yung araw na pinakahihintay ng lahat at unang lumabas sa gmanetwork website, hindi pa ako makapaniwala. Mixed emotions. Euphoric. Hinintay ko pa talaga kinabukasan na makita mismo sa prc site yung name ko kasi baka mamaya hindi totoo. Pero ang galing talaga. Pagkatapos non nagdasal ako, nagpasalamat ako kasi tinulungan ako ni Lord, alam nya ito tlaga ang pinakahihintay ko, ang gusto ko.  With my new license, I’m looking forward na sa school magamit ko yung profession ko, sa totoo lang gamit na gamit ang pagiging Psychology grad dahil sa mga students.  Hindi ko rin sinasarado ang puso ko kung muli akong babalik sa Human Resource pero sa ngayon masarap pa rin magtrabaho sa isang eskwelahan, dahil sa bukod sa natuturuan mo ang mga bata, natututo ka rin sa kanila.



(Note: Ruby is an AB Psychology graduate from De La Salle Araneta University Batch 2007. She completed 21 units of Education at Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela in March 2012. Ruby became a Registered Teacher on the same year with Values Education as a major and now working in Public High School in Valenzuela since June 2013.  She already have 36 units of Master of Arts in Education Major in Guidance and Counseling from Bulacan State Univerity.  Her hobbies include reading self-help books and dancing. Sigmund Freud is her favorite Psychologist and applying Psychoanalytic Approach in dealing with maladjusted students.  Also in her classroom, most of the time she applies Behaviorism theory of BF Skinner and observes its connection with Albert Bandura’s Social Learning Theory which posits that people learn from one another through imitation, observation and modeling.  She plans to finish her master’s degree in 2-3 years time.)