Pages

Pages

Sunday, November 23, 2014

Magiting na mga admins ng Philippine Psychometrician Reviewer

(Courtesy of Admin E)


Proudly introducing the hardworking and successful admins of our Facebook Page - Philippine  Psychometrician Reviewer


Congratulations to all our admins now RPm!


At first, these folks like any readers of our FB page used to ask lots of questions and clarifications. Since it was not so easy attending to many questions/comments in our blog and on FB, researching online materials and quizzes, conducting online surveys, blogging, reviewing on the side, and sometimes taking home some work and doing other duties and responsibilities,  I decided to invite them become admins and engage them instead to have their questions answered and get clarified instead. Thanks to crowd sourcing as well.

So we created our own group where we vet resources, quizzes and information to share publicly. Online camaraderie blossomed even if we do not personally know each other. We were bound by a common objective in helping other Psychometrician reviewees. We inspired each other and we made sure it spilled over to the our Facebook page. Definitely we had our differences and disagreements. There were times that we were remiss and could not share actively on FB since there are equally other pressing and important things to do in life, but still  we made sure that whatever questions, suggestions, blog comments and clarifications from likers and readers, we all tried our best to respond and provide sensible answers and assurance. 

Our apology to those whom we were not able to respond to and to some posts that created confusion in particular that "calculator" thing that made some furor (sincere and personal apology from Tino Repaso). 

In some of our predicaments, it helped emboldened us to send private message on several occasions  to Dr. Cue to the extent that there were occasions we were misconstrued unprofessional for our assertiveness to get the much needed information  (so rare) specifically about CAV, Subject Equivalency among other things. We are thankful that she provided us replies and so we quoted her and shared them here in our blog and on the social media (FB and Twitter). 

We admins are equally thankful for all the blessings that we received from all of your for the small things that we were able to accomplished in providing information and resources. We believed that your blessings were instrumental and enablers for us to be successful  in passing the licensure exam. We reaped what we have sown. 

So in behalf of our admins are heartfelt gratitude to all of you dear readers for helping us strive harder to serve you and in so doing we are able to increase our own "self-efficacy". For passers we hope to see you in our RPm network page to discuss and pursue our agenda as board passers. We will maintain our reviewer's page for those who will retake the exam and for first timers. It is our wish that we can enlist more volunteers to maintain our FB page since your admins are also leveling up to the next stage of  their professional goals - that of becoming licensed Psychologists. 

We hope whether you decide to remain as Psychometrician or desire to become Psychologist, that we all continue to unite and cooperate in making our profession vibrant, worthy, useful and we all contribute in the making of the his/her-story of the field of Psychology in the Philippines a very remarkable one.

Mabuhay tayong lahat! Padayon!  


 






Friday, November 21, 2014

Defeat not an option

Image source https://allbuthomeless.files.wordpress.com/2013/07/defeat.jpg
Defeat is not an option
by Anonymous Psychometrician


It was third week of August when I decided to take the board exam. It was a struggle. Dealing out with the requirements marks the impending doom that is ahead of me. Time, energy and money we’re all essential part of the process. I also began collecting hand-out materials, PDF files, books, and everything that may help me freshen up my memory with all the essential topics that I have to review. I have to do it by myself, without a review center. It was mid-September when I finally accomplished my application, it was a relief. I didn’t realize it’s really just the beginning.

There and then, I decided to start browsing my resources. But life as you planned it doesn’t come that easy.    Juggling a full time (demanding) job and a part time job (both are unrelated to the field) gave me no chance to glimpse even a single sheet of a hand-out. I go home tired and exhausted.  I started to lose hope as the exam is fast approaching. I guess October wasn’t a good month for me, and I just want the exam to be over, pass or fail, it wouldn’t matter. I’ve learned my lesson, the hard way. Always look before you leap.

I’ve come to a realization that I will not let myself be defeated just like that. Maybe, I can give a little fight. So starting the 2nd week of October,  after work, I allot at least an hour to review. Weekends became my bestfriend too. I tried taking online quizzes, but all my scores are flunk. It was hard. Reality was hitting me. All I know is that I wasn’t fully equipped, but I was learning.

Fast forward…

A day before the exam, I’ve met my friends in Manila. Travelling back and forth would be exhausting so we decided to find a place to accommodate us. It wasn’t easy, AGAIN. After roaming around the streets of Manila we decided to stay in a not-so-accommodating-hotel (we don’t have any option anymoreL). It was around 8:30 PM when we checked-in, and all we wanted was to take a rest. No more review for the night because of the physical and mental fatigue! Oh extraneous variables!

Day of exam! Tummy ache, lack of sleep, Kaba, and all. Patong-patong. I even forgot my PRC receipt! HAHA. And the exam had begun (DON’T FORGET TO PRAY, IT HELPS). After taking Theories of Personality, I was shocked. It was difficult. The concepts were quite familiar, but I cannot seem to find the answers. ‘I SHOULD HAVE STUDIED MORE INTENTLY. I FAIL TO PREPARE’. It was a blame game. And then, overhearing other examinees that it was a not-so-difficult-test for them just added a pinch of frustration.

I took each exam nearly an hour and a couple of minutes. Two hours for Assessment (HARDCORE). I kept calm during the exam. I tried to remember everything. Analyse. Think. Shade. Skip. Go back. Shade. Skip. Guess. Shade C. Shade. Repeat. Ohhh. I was laughing at myself, really. The exam was generally difficult (considering the time of my preparation and the quality of my review). I got some sure items and a lot of not so. It’s still a good time. At least, I’ve experienced how it feels to take a board exam.

And just like that, it was over. I prayed again, that no matter what the results be, I’ll just be thankful for all the realization I’ve come to understand. I gain more than I lose. From that day, I let the world decide on the outcome. I did my best, I guess. And then I moved on.

It was midnight when I received the news about the result. I PASSED, luckily. The feeling was ecstatic. I believe that my success was partly from hard work, and partly from luck. I didn’t give up, I fought, and now I am a victor of my own battle. 

CONGRATULATIONS TO ALL THE BOARD PASSERS! WE ARE THE PIONEERS! THIS IS JUST THE BEGINNING OF EVERYTHING ELSE! J

Wednesday, November 19, 2014

Ang Pangalawang Pagbabalik

Ang Pangalawang Pagbabalik
ni Clariza Arandia, RPm


Nais kong ibahagi ang aking mga naging karanasan sa aking paglalayag patungo sa isla ng tagumpay. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang aking kwento sa mga nais kumuha ng Psychometrician licensure exam sa susunod na taon.

Hindi planado ang pagkuha ko ng board exam ngayong taon. Kahit kailan ay hindi sumagip sa aking isipan na dagdagan ang aking mga bagaheng pinapasan. Ako ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang student mentor (counselor) ng isang pribadong eskwelahan sa Cavite. Masasabi kong hindi biro ang aking mga gawain. Minsan ay gabi na akong nakakauwi matapos lamang ang aking mga gawain. Kasabay nito ay ang aking pag-aaral ng MAEd in Guidance and Counseling sa DLSU-D tuwing Sabado mula 6:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Sa loob ng anim na araw, bukas-palad kong tinanggap ang nararanasan kong pagkahapo sa dami ng aking mga iniintinding gawain. Tanging Linggo lamang ako nakapagpapahinga at nakapaglalaan ng panahon sa aking pamilya at iniibig.

Isang araw ay napagusapan sa aming opisina ang pagkuha ng Psychometrician board exam. Bilang isang nagtapos ng Sikolohiya noong nakaraang taon, kasama ng aking katrabaho, kami ay hinimok ng aming head na kumuha ng exam. Napabuntong-hininga ako ng araw na iyon dahil alam ko sa aking sarili na hindi sapat ang panahong mailalaan ko sa pag-aaral. Lubusan naming pinagisipan ang minungkahi ng aming head hanggang sa nagising na lamang ako isang araw na pumapasok na rin ako tuwing Linggo, ang tanging araw ng aking pahinga. Mula Cavite, ako ay lumuluwas ng Quezon City upang pumasok sa isang review center.

Hindi naging madali ang aking paglalayag. Madalas akong daanan ng bayo at malakas na ihip ng hangin na halos ikagiba ng aking sinasakyang barko - ang aking pagtitiwala sa aking sarili. Araw-araw akong pagod at madalas nakakatulog kung saan-saan – sa jeep, sa klase at sa pagrereview. Masasabi kong nahirapan ako sa pagbalanse ng aking trabaho, pag-aaral, pagrereview at buhay pag-ibig. Hindi ko lubusang maisip na ipinasok ko ang aking sarili sa isang sitwasyong walang kasiguraduhan. Masakit man sa aking kalooban ay may mga bagay akong pansamantalang binitawan upang aking magampanan ang aking mga tungkulin. Kinausap at ipinaunawa ko sa aking nobyo ang aking sitwasyon at aking hiniling na bawasan ang aming pagkikita hanggang sa matapos ang aking exam. Hindi rin ako nakadalo sa mga reunion kasama ang aking mga kaibigan. Bilang tagapamalantsa ng mga damit ng aking mga kapatid at magulang, hiniling ko rin sa aking ina na panandaliang angkinin ang aking responsibilidad. Halos mapabayaan ko rin ang aking sarili dahil sa tuwing umuuwi ako galing trabaho at eskwelahan, madalas na nakakatulog akong nakaupo sa sala at hindi nakakapagpalit ng damit. Ngunit sa kabila ng aking napagdaanan, nalaman ko kung sino ang tunay na nagmamalasakit, nagmamahal at nagtitiwala sa aking kakayahan.

Sabay-sabay dumating ang mabibigat na gawain sa huling tatlong linggo bago ang board exam. Nariyan ang mock board exam sa review center na aking pinasukan, mga requirements at final exams sa aking masteral at mga programa, referral at report na kailangang tapusin sa trabaho. Hindi ko alam ang aking uunahin kung kaya’t minsan ay napapaluha, napapaluhod at tumatawag na lamang ako sa Kanya upang bigyan ako ng lakas na tapusin ang lahat ng aking dapat gawin. Halos hindi na rin ako nakakatulog sa dami ng mga gawaing nakatambak sa aking lamesa. Minsan ay naabutan ako ng aking lola na nakayuko at natutulog sa harapan ng laptop. Awang-awa niya akong pinagtimpla ng kape at pinaalalahanan na pangalagaan ang aking sarili. Ang tanging nasasambit ko na lamang sa tuwing ako’y kanyang sinasabihan ay, “Panginoon, tulungan niyo ako”. 

Alam ko sa aking sarili na hindi sapat ang aking mga nareview para pumasa. Madalas ko kasing nahuhuli sa listahan ng mga dapat kong gawin ang pagbabasa ng aking libro at paghahanda ng aking sarili para sa board exam. Tanging ang libro ko sa Theories of Personality noong kolehiyo pa ako ang aking nababasa. Ang masama ay nangangalahati pa lamang ako sa libro at kulang na kulang na talaga ang oras ko para mapaghandaan ang board exam. Hanggang sa aking napagdesisyunan na maglaan ng apat na araw para sa apat na subject para makapagaral at makapaghanda pa ako. Ako ay nag-file ng leave dala na rin ng takot na hindi makapasa sa exam. Ang unang araw ng aking leave ay nilaan ko sa pagbisita sa St. Jude College kasama ang aking nobyo. Nagpunta at nagdasal rin kami sa iba’t-ibang simbahan upang humingi ng gabay sa nalalapit kong exam. Natapos ang unang araw ng aking leave na pagod mula sa lakad at byahe.

Ngunit ako’y nagkamali sa pagaakalang magiging madali ang pagaaral kung ako’y maglalaan ng isang araw para sa bawat subject dahil nagmistulang kabayo ako sa bilis ng aking pagbabasa. Tatlong araw na lang bago ang exam. Mangiyak-iyak akong nag-aral mula 3:00 am hanggang 12:00 am kada araw ngunit tila ba’y wala nang impormasyong pumapasok sa aking isipan. Hanggang sa dumating ang October 27, isang araw bago ang board exam. Nagmistulang energy drink ang mataas na lebel ng aking kaba ng araw na iyon. Hindi pa rin ako natigil sa pag-aaral hanggang sa inumaga na ako sa pagbabasa at nagising ang aking lola para ihanda ang aking babauning pagkain at inumin. Alas-dos na ng umaga nang nagising na rin ang aking ina at binigyan ako ng dalawang dark chocolate para raw makatulong sa akin. Umalis ako ng aming bahay sa Cavite ng mga alas-tres kasama ang aking nobyo upang samahan ako sa aking paglalayag papuntang Manila. Habang nasa byahe ay sobrang nanginginig ang aking mga kalamnan sa kaba. Hindi ko maiwasang mag-isip ng mga negatibong bagay dahil sa nararamdaman ko sa aking sarili na hindi pa ako handang mag-exam. Gustong umatras ng dalawa kong paa at matulog na lamang sa aking kwarto ngunit alam ko sa aking sarili na hindi iyon maaari. Kailangan kong ipagpatuloy ang nasimulan kong paglalayag. Ang tanging pinanghawakan ko na lamang ng sandaling iyon ay ang malaking pagtitiwala ng mga mahal ko sa buhay sa aking kakayahan. Bumalik sa aking ala-ala ang mga binigkas nilang pananalita na talaga naming tumaim sa aking isip at damdamin. “Kayang-kaya mo yan! Kung nagawa mong magtagumpay noong kolehiyo ka, magagawa mo rin ngayon!” “Sa nakita kong hirap mo dyan sa lamesa, paniguradong pasado ka na!” “Huwag kang kabahan, magtiwala ka sa sarili mo.” Ayoko silang biguin sa kabila ng lahat ng mga tulong at suportang ipinagkaloob nila sa akin. 

Nang makarating kami sa lugar, umupo kami sa mga upuan sa gilid ng eskwelahan at naghintay na tawagin at papasukin kami sa loob. Habang naghihintay ng oras, naririnig ko ang mga kwento ng ibang examinees. Mataas ang pagtitiwala nila sa kanilang sarili. Ang iba naman ay may nararamdaman ring kaba sa dibdib. Mayroon rin akong narinig na ang pagpasa sa board exam ay suwertihan lamang raw. Bigla kong naisip, “paano na lamang kung hindi ako swerte, hindi na ba ako makakapasa?” Taimtim na lamang akong nagdasal na gabayan ako ng Maykapal sa aking exam hanggang sa makapasok na ako sa loob ng aming kwarto. Ang aking nobyo naman ay naiwan sa labas at naghintay hanggang sa matapos ang aking exam. Pinaupo ako ng proctor sa tapat ng kanilang lamesa at inatasan nila akong magdasal para sa aming grupo. Sinimulan kong sagutan ang exam at aminado akong nahirapan sa ilang mga items. Bago ako umuwi ng aming bahay ay dumaan ako sa Simbahan ng Poong Nazareno upang magpasalamat sa paggabay sa akin sa araw na iyon. Habang ako ay nakapila patungo sa Poong Nazareno ay may nakita akong babaeng nagdarasal habang buhat-buhat ang kanyang anak na may sakit. Bigla akong napaluha at naisip na malaki ang pananampalataya niya sa Maykapal sa kabila ng kanilang pinagdaraanan. Hindi siya nawawalan ng pag-asa gaano man kalubak ang kanyang daang tinatahak. Binigyan niya ako ng inspirasyong ipagpatuloy ang aking nasimulan at tapusin ang board exam kasama ang Panginoon.

Dumating ang pangalawang araw ng exam at baon ko pa rin ang suporta at tiwala ng aking mga magulang. Ngunit, hindi naging madali ang pangalawang araw ng exam. Umalis ako ng eskwelahan ng malungkot at baon ang takot na hindi makapasa. Dumaan ulit kami sa Poong Nazareno at doon ay hindi ko napigilang umiyak. Pinapatahan ako ng aking nobyo ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili. Iyak pa rin ako ng iyak habang nagdarasal. Pagkatapos ay niyaya ko siya na magsimba sa National Shrine of Mother of Perpetual Help. Hindi ko pa ring maiwasang umiyak habang dumadalangin sa Kanya. 

Lumipas ang dalawang araw ay naisipan kong dumalaw ulit kay St. Jude upang magpasalamat sa paggabay niya sa akin noong nag-exam ako. Kahit na nahirapan ako, alam kong hindi niya ako pinabayaan. Bago ako umalis ng simbahan ay kumuha ako ng nobena niya at kinagabihan ay dinasal ko iyon. Nakalagay sa nobena na matutupad ang ano mang panalangin gaano man kaimposible ito bago o sa loob ng siyam na araw nang pagdarasal ng nobena ni St. Jude. Buong-puso ako naniwala at nanalangin araw-araw hanggang sa dumating ang ika-limang araw ng aking panalangin. Iyon din ang araw na ilalabas ang resulta ng exam. Sinamahan ko ang aking kapatid sa kaniyang kwarto at doon ay dinalangin ko ang nobena ni St. Jude hanggang sa ako’y nakatulog. Ginising ako ng aking ina ng alas-onse ng gabi upang palipatin ng kwarto. Ngunit kaysa na lumipat sa aking kwarto ay bumaba ako sa sala upang doon ipagpatuloy ang aking pagtulog. Nasanay kasi akong matulog sa sala noong panahon na sobra akong pagod galing sa trabaho at eskwelahan. Halos nakapikit pa akong naglakad patungo sa aming set nang narinig kong tumunog ang aking cellphone. Hinanap ko ito at binuksan ang isang mensahe mula sa aking kasamahan sa trabaho. Biglang lumaki ang aking mata at nanginig ang aking mga kamay nang mabasa ko ang salitang “congratulations”. Agad-agad kong hinanap sa google ang resulta ng board exam. Una kong nakita ang announcement ng GMA 7 at binuksan ko agad ito upang hanapin ang pangalan ko. Napaiyak na lamang ako ng aking makita ang buong pangalan kong nakalista sa mga pasado, ARANDIA, CLARIZA HILARIO. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko at nagawa ng Panginoong gabayan ako patungo sa isla ng tagumpay. Biglang bumalik sa aking ala-ala ang lahat ng mga taong umunawa, sumuporta at naniwala sa akin. Tunay ngang nabubuhay ang ating Panginoon sa imahe ng mga taong nakapaligid sa atin. Kinabukasan, niyakap at pinasalamatan ko ang aking mga magulang. Tulad ng aking nararamdaman, sila’y nagagalak sa aking matagumpay na paglalakbay. Sa loob-loob ko, hindi ako makakabalik sa lugar kung saan ako nagtapos ng kolehiyo kung wala ang mga taong nagsilbing biyaya sa aking buhay at kung wala ang presensya ng Panginoon sa aking tabi.

Tuesday, November 18, 2014

Ang Kwelang Kwento ni Kuya Psych

Ang Kwelang Kwento ni Kuya Psych
ni Ian Rae Estores, RPm

I. ELEMENTARY and HIGH SCHOOL YEARS

Suki ng Guidance Office dahil agresibo sa kaklase at mga guro, dahil sa panununtok ng kaklase at kahit mas bata, kahit mas matanda a sa kanya. Lahat ng siguro ng kabulastugang ginawa ko, nagawa ko na ata – lumayas, magtangkang magpakamatay at pumatay.


II. SUMMER 2010

Hindi pa rin sigurado kung itutuloy pa rin ba talaga ang pangarap kong kurso, ARCHITECTURE, pinuntahan ako ng kaibigang pari ng nanay ko.

“Ano ba talagang gusto mo?”

“Maging Architect po!” (May doubt kahit papaano)

“Alam mo maganda yung Clinical Psychology.” – gusto ng nanay at kapatid ko para sa akin.

“Hehe”

Simula noon, napaisip ako kung ano ba talaga yung PSYCHOLOGY. Akala ko noon, yung pinag-aaralan doon ay yung pagapalutang ng mga gamit (telekinesis), pag-“hunt” ng mga multo (paranormal ‘hunting’?) o kaya pagbabasa ng isip (wrong notion ng karamihang Pilipino). Nakakatawa ‘di ba? Oo! ‘Yan yung mga bagay na naisip ko kung ano ba yung mga pinag-aaralan doon. No joke ‘yun!

Tumatawa ka pa rin ba? ‘Wag kang mag-alala, ‘yun yung in-enroll kong kurso!


III. SUMMER 2011

Inaayos ko na lahat dahil mags-shift ako ng kurso- from PSYCHOLOGY to OCCUPATIONAL THERAPY – anong nangyari? Siguro hindi talaga para sa akin ang PSYCHOLOGY – hindi ko pa kasi natutunan ang pagpapalipad ng mga gamit eh (SADNU?) – dahil doon, kinausap ako ng Chairperson ng Psychology Department na ituloy ko pa kahit konti na lang (may nakita sigurong potential sa akin- konting practice pa daw!)


IV. COLLEGE YEARS (2011-2014)

Tinuloy ko pa rin ang pag-aaral ng Psychology kahit hindi talaga ito ang gusto ko. Walang magagawa (learned helplessness), kailangan ko talagang tapusin eh. Pinagdaanan ko ang malulupit na subjects – Psychological Statistics at Counseling – dahil “terror” ang professor at hindi ako empathic. Flat affect ako kadalasan lalo na sa mga bagay na hindi patok sa panlasa ko at dahil dito, maraming nagsasabi sa akin na hindi talaga bagay sa akin ang Psychology. (Well, I proved them wrong!)

Sa subject na Abnormal Psychology, tumatak sa akin yung report ko about sa Dissociative Disorders ang Dissociative Identity Disorder (MPD/ DID). Isa sa paborito kong disorders ang DID dahil sa astig na description nito at pati na rin ang Aperger’s Disorder dahil nabasa ko siya sa isang novel ni Jodi Picoult (House Rules).

Internship ang pinakapaborito kong part ng last college year ko kasi maa-apply ko na ang natutunan ko sa pagpapalipad ng mga gamit! YEEES! To be specific, clinical internship ang pinakagusto ko sa lahat. ‘Yung feeling na hindi mo maiwanan yung institution (na-delay ako sa 2 kong huling internships) dahil sa mga co-interns mo and sa mga patients na nakikita mong masaya – the best feeling ng isang Psychology student or Clinical Psychologist na siguro ‘yon (hindi ako flat affect).


V. SUMMER 2014

Nag-post ako sa Tumblr tungkol sa pangarap ko. Sad to say, related career/s sa Psychology ay hindi kasama doon. Iba pa rin talaga ang sinasabi ng puso’t isip ko- pagsusulat at pagguhit. Sa edad na 20, na-experience ko (hanggang ngayon) ang identity crisis. Lahat naman siguro tayo takot sa hinaharap (NO EXCEPTIONS!), ‘yung mga tanong na ‘Ano ba talaga ang role ko bilang isang tao?’ o ‘Itutuloy ko ba yung napagtapos ko?’, ‘yan kadalasan ang mga tanong natin sa sarili lalo na sa mga taong napilitan lang sa kurson natapos nila.


VI. THE PREPARATIONS, OBSTACLES, and THE BLEPP EXPERIENCE

By April, dahil bored sa bahay, COC lang pampalipas oras ko. Alam ko na may board exam na for Psychometricians and Psychologist but I don’t care! Hindi ko naman pinangarap ‘yun!

      By May, confused pa rin ako kung ano bang gagawin ko. Pa-FB-FB lang, scroll up, scroll down. Voila! May post ang Psychological Association of the Philippines (PAP), konting click at basa lang saglit sa timeline at nakita ko yung cover photo nila:


        Nung nakita ko ‘yun, agad kong hinanap yung librong kasama sa kit sa PAPJA 2014 at binasa ko ‘yun:




        “Important milestones to be an inspiration and to achieve aspirations.”

       Na-motivate ako para kumuha ng board examination at alam kong may sinasabi sa akin kung bakit nagpakita sa FB ko ‘yung PAP (delusion of reference).

         By June, nag-enroll ako sa isang review center, wala pa akong na-aaral dun sa 4 na subjects (happy-go-lucky talaga ako). New people, new friends and new learnings – hindi ako sumama sa mga classmate ko na nasa ibang review center para maiba naman makita kong pagmumukha pati na rin may makilalang bagong kaibigan at to be more motivated to study (konyo tone).

        Naging isa sa high scorers sa Theories of Personality, I still doubt my knowledge and abilities. “Dito lang ako mataas. Hindi naman sure na papasa ako sa board exam dahil lang dito.”, sabi ko sa sarili ko. Uncertainty – ‘yan ang pinakaproblema ng 1st takers, hindi mo alam kung tama ba ang reference na binabasa mo o kung yung mga questions ba na nababasa mo sa Philippine Psychometrician Reviewer ang lalabas (special mention).

      By  August, dahil sa doubt ko sa sarili, nag-apply ako sa isang clinic (in-case na bumagsak sa examination) at nakuha ko naman ang trabaho! ‘Wag mo nang itanong kung ilang buwan ako nagtagal doon kasi hindi umabot ng 1 buwan. Focused na ako sa pag-aaral ko sa board exam and other personal matters (kasama na yung pagkumpleto ng requirements for PRC) kaya may role confusion na nangyari. After that, almost 1 month kong pinagisipan kung ito ba talaga ang gusto ko – ‘yung pagkuha ng board exam. Ang ewan talaga ng feeling ko during that month.

       Depression, anxiety, binge-eating due to stress, insomnia at encopresis (joke lang!), ‘yan yung mga naranasan ko habang papalapit na ang mismong araw ng board exam. Yung huli kong tingin ay ’70 DAYS BEFORE BLEP’ tapos bigla na lang naging ’20 DAYS BEFORE BLEP’.

          “S-E-R-I-O-U-S-L-Y!!!???”

         Ganon pala talaga kabilis: ‘pag may inaantay ka, its either na minamadali mo ang sarili mo o mas nagiging mabilis lang talaga mga pangyayari sa paligid mo (‘wag kang mag-alala, dadating din ang taong para sa’yo).

             5…4…3…2…1 DAY BEFORE BLEPP!!! Tug-dug-tug-dug-tug-dug… Oh my GGGGG!!! 

            “Bukas na ang mismong araw ng exam”

           Konting basa lang ng Theories of Personality at Industrial Psychology sa umaga at sa hapon naman scan lang sa Abnormal Psychology and Assessment, partida: bantay ako sa tindahan kasi ako lang mag-isa sa bahay, bale bawas pa yung nilaan kong oras para mag-aral.
“Bahala na! May tiwala ako sa sarili ko. Alam kong ito ang gusto Niya para sa akin!”


VII. 1ST DAY (OCTOBER 28)

Nagising ako ng bandang 2 AM para mag-scan, natulog saglit at nag-text na ako sa mga kakilala kong test takers ng GOODLUCK. Habang naliligo, iniisip ko na professor ako na tinuturo yung theories nila Freud, Jung, Adler, Allport, Horney at Fromm sa tubig. Ang galing kasi attentive sila!

Sinamahan ako ng kapatid ko sa MLQU para suportahan ako. ‘Pag baba ng jeepney ang daming mga naka-uniform and white polo shirts, may nakita nga akong may naka-gray eh! Ang dami pala talagang test takers: from 20s to 50s siguro yung isa kong nakita and from different regions pa! Salu-salo ng mga Sikolohista – pangalawa na ito sa PAPJA kung ganon!

Maraming nagbabasa ng notes, may mga mini reunion sa hallways, kaway doon, kaway dito. Nakita ko mga co-interns ko at yung mga classmates ko sa review center. “THIS IS IT!” kahit na kinakabahan ako, OK lang sa akin kungbumagsak this is also an experience of a 1st timer.

“Easy lang yung exam!”

“Ang hirap nga eh!”

Ilan lang ‘yan sa mga narinig ko sa nag-uusap na examinees.

Oo, madali nga yung T.o.P at Industrial Psychology (yabang!). Kampante ako sa resulta nito at binilang ko pa mga sure kong tamang sagot, buti pasok sa baseline na 60%.


VIII. 2ND DAY (OCTOBER 29)

Walang review sa ethics, common sense ang puhunan. Naiwanan ko pa reviewer ko sa Abnormal Psychology.

        Ang huling 2 subjects na masakit sa ulo dahil sa sobrang daming terms na kakaiba (hindi pa kasama ang mga specific phobias) at mga bagong terms. Kabado ako sa Abnormal Psychology, hindi ko alam kung tama ba yung mga pinagsasasagot ko. Ginamit ko talaga talino ko! (HAHA!)

          Nung Psychological Assessment na: HAHAHAHAHA..HEHEHEHEHE…HUHUHUHU! 

          “Ano ‘tong mga tanong na ‘to?”, nasabi ko sa sarili ko.

        Naging anxious ako sa Psychological Assessment, hindi ata talaga ako papasa. Scan muna ng test questionnaire – from page 1: Ang hirap ng mga tanong, sinimulan ko naman sa last page: Mahirap pa din mga tanong. Inumpisahan ko sa mga questions na mahirap. Gumamit pa ako ng calculator para: maging anxious ibang examinee (bad boy…joke lang!) at para malaman ko yung code na in-implant ko sa utak ko kasi medyo slow ako sa numbers and kakaibang terms, prepared ako sa mga ganoong bagay.

          TAKE NOTE: WALA pong KODIGO sa calculator ko. Eto yung clue sa sinasabi ko, sigurado akong alam niyo ‘yan: 34-13-2/ 68-95-99.

             Mas mabuti nang bumagsak ako ng totoo, kaysa naman pumasa ako dahil sa nangodigo lang ako!
After ng exam, nagsimba ako at mga kasamahan ko sa may SSC-R at kumain para mag-celebrate dahil nabawasan na kami ng malaking STRESS!

            Masaya ako sa performance ko sa 4 na exams. Kahit hindi ako sigurado sa resulta, may tiwala pa rin ako sa sagot ko (‘yun ang pinakamahalaga!).


IX. THE RESULTS ARE IN… DIM THE LIGHTS AND HERE WE GO! (NOVEMBER 4)

Inaantay ko pa rin ang resulta. Dinownload ko pa yung SPERM app ng SPARK, naghintay ako ng ilang oras--- WALA PA RIN at biglang may nag-comment sa isa kong group.
“Congratulations Ian!”

“Huh? Pasado ako?”

*walang reply*

“Link naman diyan.”

*post ng link*

Still loading ang website ng GMA. Ang tagal lumabas ng content. Nanginginig at giniginaw ako (isa kong sign na may good news talaga o kapag kinikilig ako. Pwe!) kahit na hindi ako sigurado kung pasado ba talaga ako.

May mga nagte-text na sa akin, hindi pa rin lumalabas yung content sa website ng GMA. Ate ko pa unang nakakita ng mismong list! Biglang may tumawag sa akin at congratulations nga daw.

Nakita ko rin pangalan ko sa list ang nagpost na ako ng status at picture ng list kung saan nandun yung pangalan ko. 50-50 yung naramdaman ko- magiging masaya ba ako dahil pasado ako o magiging malungkot ako kasi ilan sa mga kakilala ko hindi nakapasa – kaya medyo guilty din ako sa pag-post ng picture habang cine-celebrate ko yung pagkapasa ko.


(Ang dami kong pinagdaanan bago ko malaman kung ano ba talaga yung gusto ko. Maraming nagbago sa akin nung panahong pinaghahandaaan ko yung BLEPP. Kung maaalala niyo yung conversation ko sa isang pari, Clinical Psychology ang napupusuan ko ngayon at syempre dahil hilig ko ang pagbabasa at pagsusulat, nakikita kong magiging successful ako pagdating sa Research. Hanggang ngayon, iniisip ko na may mga bagay na kahit hindi natin gusto ay ‘yun pa yung mga bagay na pinagsisiksikan sa’yo ng nasa paligid mo. 


Tuwing babalikan ko yung mga nangyari sa akin, masasabi ko na: “May rason pala talaga kung bakit nangyayari sa atin yung mga bagay-bagay.” Para sa akin ang pagiging Psychometrician na ang isa doon. Ngayon, alam ko na kung ano ang dapat na ip-pursue kong career at ang sarap sabihin na:

“’Yung akala kong matututo ako ng TELEKINESIS, doon ko pala matututunan yung NEUROSIS at PSYCHOSIS!”)

Monday, November 17, 2014

MY 82 DAYS OF JOURNEY TO BOARD EXAM (PROCRASTINATION AND REVIEW): An Update

by Mary Anne Portuguez

May e-mail kasi akong nareceived after ng oath-taking,"Ano ba ginawa sa board exam?" 

Ayun. Buti nakapagdocument ako. Hehe. Hindi ko na kailangan pa ipaliwanag mga ginawa ko dahil sa mga larawang nakunan ko.
Hindi ako nakapagreview center kasi mahal. Bale, review lang talaga sa sarili gamit lumang books, ebooks, notes, tulong din ng online blogs tulad ng Philippine Psychometrician Reviewer (psychometricpinas.blogspot.com) at mabubuti kong kaibigan.
Naisipan kong magdocument ng pagrereview ko sa loob ng 82 days bago ako magtake ng exam sa dahilang naniniwala ako nang mga panahon na iyon na papasa ako (fighting spirit talaga lakas) at gusto kong maibahagi yung mga bagay na nangyari sa aking paglalakbay bago ako magtake ng board exam.

Maraming beses din naman akong nabigo magreview kaya puro pagkain ang highlight ng araw ko. Kung minsan nga cheesy days, status lang sa facebook, movie marathon or series marathon, lalabas kasama yung mga importanteng tao sa buhay ko, at paggawa ng requirements sa graduate school. Grabe, mapapansin mo nga sa mga unang araw pa lang ng nakatakdang documentation ko may pagkain na talaga na highlight. Kaya nga naging bilugan ang katawan ko. hahahaha. Wala na akong exercise rin niyan.
Kung susuriin ang mga larawan, makikita mong hindi lang ako naka-focus sa pag-aaral, makikita mong may mga ilang bagay rin akong pinagkakaabalahan. Minsan kasi okay lang naman aminin na hindi naman tayo super sipag, na mayroon ring mga araw na gusto natin maging masaya lang sa isang araw, na hindi lahat ng oras dapat na igugol natin ang sarili natin sa pag-aaral dahil kailangan din natin ang ibang bagay para mas umunlad tayo. Kung hindi ako nag give in sa kagustuhan kong subukan ang iba ng mga panahon na iyan baka masyado akong na-stress. Kailangan lang talaga na minsan mag-enjoy at minsan dapat na seryosohin ang mga bagay.Ibabalanse.

Gusto ko lang sabihin na huwag natin masyadong biglain ang sarili natin sa mga bagay na gusto nating makuha, kung minsan kahit paunti-unti okay lang naman. Hindi kailangan na magmadali. Saka wala naman magpepressure sa atin kundi sarili lang din natin kung hahayaan natin makinig sa sasabihin ng iba. Kung marami na silang narereview, hayaan niyo sila. May sarili kang oras, ang dapat mong gawin, gumawa ka ng sarili mong plan. Ikaw magdidisenyo. Pwede kang maglagay ng allowance na mag-enjoy ka at schedule na stringent. Basta dapat sa isang araw, kahit paano may nagawa ka, kung wala man siguraduhin na kinabukasan mababawi mo iyon.

Ito ang summary ng shinare ko sa SPARK Review Center noong 2015 nang ma-invite ako:

1. Set Goals
2. Document your review/ Monitor your progress
3. Eat a lot of healthy food 
4. Procrastinate in judicious doses.


Good luck sa susunod na magboboard exam! 

(Riyan is a lone passer of from PUP-Graduate School, Master in Psychology-Industrial Psychology Program with other passers of the same university but in a different program of the 2104 BLE for Psychometrician. She is one of the indefatigable admins of the Facebook Page Philippine Psychometrician Reviewer. She contributed this post - http://psychometricpinas.blogspot.com/2014/07/maraming-salamat-kay-riyan-for-sharing.html )


Below is creative photo journal on what Riyan calls her 
82-day review-procrastination.









The result: