Pages

Pages

Sunday, August 18, 2013

Tentative Program of the 38th National Conference on Filipino Psychology

Mula sa Sikolohiyang Pilipino:


Panawagan sa Papel at Symposium: Ika-38ng Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino

E-mailPrintPDF
Nalalapit na naman ang taunang Pambansang Kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino. Ngayong taon, ang tema ng kumperensya ay"Sikolohiya ng Malasakit at Pananagutan" na gaganapin sa Lungsod Naga, Camarines Sur sa darating na 21-23 Nobyembre 2013.  Ito ay isasagawa sa Naga Regent Hotel (21 Nobyembre) at sa University of Nueva Caceres (22-23 Nobyembre).  Ito ay pamamahalaan ni Prop. John Hermes Untalan ng San Beda College bilang convenor at ni Prop. Miriam Aquino Malabanan ng Lyceum of the Philippines University-Batangas bilang co-covenor.  
Katuwang ang University of Nueva Caceres, itatampok sa tatlong araw na kumperensiya ang mga pagtalakay sa paghubog ng malasakit at pananagutan ng mga Pilipino sa iba’t ibang kunteksto at ang pagtatanghal ng mga pananaliksik ng mga sikolohista at iba pang eksperto't may interes sa lipunan, kultura at sikolohiyang Pilipino. Sa ikatlong araw, magkakaroon din ng mga workshops/lakbay-aral na patuloy na maglilinang sa mga kaalaman at kasanayan ng mga dadalo sa kumperensiya.
Nilalayon ng kumperensya na: pagtuunan ng pansin ang paghubog ng pananagutan at malasakit sa iba’t ibang kunteksto: pag-uugnayan, pamilya, paaralan, propesyon, pananampalataya, at pamahalaan; magtampok ng mga pananaliksik sa sikolohiya, kultura, at lipunang Pilipino; at magbahagi ng kaalaman at kasanayan na nagtataguyod ng Sikolohiyang Pilipino.
Para po sa pagsusumite ng papel, pumunta lamang sa http://bit.ly/pssp2013abstract.
Para naman sa pagsusumite ng symposium, pumunta lamang sa http://bit.ly/pssp2013symposium.


Pansamantalang programa sa ika-38ng Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino
Sundan ang ugnay na ito - http://bit.ly/18uNqM7




Endorsement from CHED





No comments:

Post a Comment