"Mag-aral ng maaga nang hindi maabala!"
Ito ay isang mahalagang paalala. Dahil malayo pa ang board examination (sa August), marami sa mga nagrereview ang hindi pa ganoong kaseryoso.
Alam ko iyan, dumaan rin ako diyan! Yung tipong pakiramdam mo punong-puno ka ng motivation tapos once na nasa harapan ka ng reviewers mo nalilito ka na kung ano uunahin mo. Kasi alam mo yun? Parang parehas silang matimbang sa'yo. Charot! 💔
Malayo yung expectation sa reality ng pagrereview. Mahirap siyang gawin lalo na kung self-review ka. Kaya kung nag enroll ka sa review center, grab mo na yung opportunity na makinig kasi mayroon kang matututunan, alam mo iyon hindi ka makakauwi kaagad kahit kating-kati ka na kasi nagbayad ka! Mapipilitan ka mag-aral! 😤😂😂
Eh kapag sa self-review, ganito magiging scenario [inspired by true events 👻👻]:
Kapag nasa kwarto ka, tinatawag ka ng kama at unan mo na matulog ka na o humilata ka. Kapag sa sala ka naman, tatawagin ka ng TV para manood, o kaya naman kapag nasa kitchen ka, tatawagin ka ng mga plato at pagkain na naghuhumiyaw sa loob ng ref. 😂😁
1. Mag jot down kung nasa review center ka o kung wala man magsulat ka pa rin sa mga nababasa mo sa book. Mas maganda gumawa ka ng sarili mong reviewer kasi mas madali mo iyon maiintindihan.
2. Makipag-collaborate sa mga co-reviewees. Mas mataas ang retention kapag nagshe-share sa mga kasama. For sure, marami rin naman tayong matututunan mula sa mga kasamahan natin.
3. Mag-organize at magschedule ng mga babasahin. (Please kahit sa isang araw man lang may matutunan ka)
4. Siguraduhing susundin mo ang mga nakaschedule mo.
5. Kumain ng pagkain dahil mahalaga yan! 🐷🐷🐷
6. Magrelax pero wag naman masyadong relax (wag puro twerk
twerk, werk werk werk rin)
7. Claim it! Attract good vibes!! 🌟🙏
Oh sya, kita-kits sa oath-taking ha! Claim it! <3 👏👌👊
Love lots,
RPm na nagtuturo. HAHAHA.
#lovepsych #Jedi