http://vignette1.wikia.nocookie.net/heroism/images/4/4b/Revenge.jpg/revision/latest?cb=20160809103531
Albert Bandera shared his post.
"Nagreview, bumagsak, nagretake, bumagsak, nagdasal, naghiganti, PUMASA!"
Last 2014, I took BLEPP. Fresh grad ako. Sabi kasi nila mag take daw ng board habang fresh pa yung pinag aralan. So I did.
Nag review, nag procrastinate, nag post sa facebook ng mga reviewers hehe, nag libot ng simbahan, bumagsak.
Ang sakit. Pero yung sakit may halong "okay lang wala naman nakakaalam na nag take ako."
"first time tsaka mahirap daw talaga so okay lang." Pero sayang...
"first time tsaka mahirap daw talaga so okay lang." Pero sayang...
Yung tipong makikita mo sa facebook, "Congrats sating mga pasado, sa mga hindi okay lang yan bawi next year..."
Habang ako.. "Uy congrats sa mga pasado.. Galing galing niyo!!:) <3" pero deep inside... "tang ina niyo nasasabi niyo lang yan kasi pasado kayo...Punyeta!"
Bitter na kung bitter pero hindi sila nakakatulong hahaha. Bakit kasi nag facebook pa ko?
Bitter na kung bitter pero hindi sila nakakatulong hahaha. Bakit kasi nag facebook pa ko?
Second take, 2015. Confident! Well.. been there, done that! alam ko na ang dapat kong aralin...
So nag focus ako sa Psych assessment dahil siya ang nag pahamak sakin nung first take ko.
"Nag aral ng psych assessment, nag exam ng patago, bumagsak nanaman." (pero mataas raw score ko sa psych assessment hihihihi pero bagsak parin ratings ko haha)
July 31 ang saya saya sa bahay kasi birthday ng ate ko. 7pm nalaman kong bagsak ulit ako. Nalaglag ako sa kama so literal na bumagsak rin ako. Akala sa bahay ang OA ko dahil kung makaiyak parang bumagsak lang naman sa kama.
Yun ang akala nila... Well mom, dad, brother, and sister... sa board exam po ako bumagsak.
Siyempre pamilya, "ganun talaga, bawi ka nalang" "baka hindi mo pa time" "bla bla bla bla"
Nung time na yun naiiyak ako sa galit. Galit na galit ako. Galit ako sa sarili ko kung bakit pinaabot ko pa sa ganito!
Sa sobrang galit ko, nagsulat ako sa wall ko ng RPm tapos pinag hahampas ko. Sa huli, ako lang nasaktan sa ginawa ko.
Bumagsak, nasaktan, BUMANGON!
NAG-ARAL AKO AGAD! habang umiiyak ako nung nalaman ko yung result kinuha ko agad ang notes ko. NAG BASA AKO AGAD!
Murray is the bla bla bla kahit nanlalabo mata ko sa luha, pinilit ko parin. Wala ng grieving process na naganap. Hindi na ko umasa na nasa conditional ako... Bagsak kung bagsak punyeta!
Mahigit isang taon ako nga prepare. Pero nandun parin yung takot na paano kung hindi lang sa basketball yung 3peat? paano kung sa akin din? Yung tipong pipila nanaman ako sa PRC... Pero sabi nga ni father, you have to carry the cross kahit mabigat.
Hindi ko alam kung paano ako pinalaki ng magulang ko at wala akong kadala dala hehe. At sa ikatlong pagkakataon susubok nanaman ako...
Nag pursigi, nag dasal, ipinag dasal, at PUMASA
Sa ikatlo at huling pagtake ko ng exam wala ng sikre sikretong naganap.
"Oo mag tetake ako ng board! la kang pake may 900 pesos ako"
Yung tipong pagkatapos mo mag take ng exam maiisip mo yung reliability ng exam, pahirap ba ng pahirap kada taon? nag iimprove ba validity ng exam? Yung psych assessment hindi consistent. Mahirap, madali, mahirap... bla bla bla...
Sabi nila "bakit mo pagpipilitan sarili mo sa isang bagay na ayaw umayon sa gusto mo?"
"exam lang yan, hindi yan sukatan ng pagkatao mo"
Hindi naman yun eh, nag take ako hindi para sa tatlong letra sa dulo ng pangalan. Nag take ako para mapatunayan sa sarili ko na kaya ko. Kahit na sabihing "exam lang yan"
sus! kaya natin lokohin yung ibang tao na wala lang satin. Pero pagbali baliktarin man ang mundo, masakit. Maapektuhan ka parin.
sus! kaya natin lokohin yung ibang tao na wala lang satin. Pero pagbali baliktarin man ang mundo, masakit. Maapektuhan ka parin.
AT AYUN NAKAYA KO NGA...
Kinaya....
Yung weekends na inalay ko sa review imbis na sa pahinga, yung mga lakad na isinangtabi ko muna para mag review, yung hygiene ko na napabayaan na hahahaha. Worth it lahat.
Basta pag sinabayan ng sincere na pagdadasal, suporta ng pamilya at kaibigan, at pag aaral. Walang imposible.
Kaya para sa lahat ng hindi pinalad, wag kayong susuko! Umiyak kayo pero wag kayo mag mukmok! Wag niyo itago kung mag reretake kayo ulit. MARAMI TAYONG PANG RETAKE! Pero siyempre mas masarap kung yung 900 mo ipapang buffet mo na lang hehe.
Ipangako niyo sa sarili niyo na next year makikita niyo na ang pangalan niyo sa result...
Sa mga pumasa naman nung 2014, 2015, at 2016.. La kong paki sainyo! Hehehe congrats, alam kong pinag hirapan niyo yan. (labas ilong) Joke.
At para sa sarili ko, congrats... ang tigas ng mukha mo! hehehe
-Albert Bandera, RPm
(Mula sa post sa Filipino Psychometrician Group)