Pages

Pages

Sunday, September 25, 2016

FAQ on Registration and Oath taking



Saan po kami makakakuha ng Oath form and documentary stamps?
Sa PRC mismo


Nakapag register na po ako and waiting for oath taking na lang pero di po ako bumili ng ticket di po ko makakapunta sa oath taking on Oct.5 sa PICC.When po yung oath taking ng hindi pupunta?
Bumisita sa PRC Office kapag kukunin ang license/ID, certificate at hilingin ang PRC official na mag-take ka ng oath.


Hi good PM. Sorry to ask po again. Just want to know if ever po ba na hindi pa ako nakapag bayad ng 1050 sa pre-registration. Hindi po ba ako pwede magattend ng oath taking kahit may ticket na? 
Yo can attend the oath taking but PRC will not release your ID and certification since you are not paid yet. Your registration number appears or reflected in your ID and the certificate issued after the  oath taking.


Ask ko lang po ulit if kasama na dun sa Php700 ticket ang food sa oath taking sa PICC?
Per person ang bayad, passer at guest o yung kanyang kasama sa oath taking (entrance fee, seat, food and drinks).


Is it true that there is a morning and afternoon oath taking session (Nagkakaubusan daw po kasi ng pang-afternoon oath taking eh)?
Tama, may pang-umaga at pang-hapon dahil madami na ang magtake ng oath.
Morning oath taking - 9:00 AM
Afternoon oath taking - 1:30 PM


Anong oras matatapos?
Marahil mga 2-3 hours ang program lalo na may pang hapon pa na oath taking. Check ang PRC or PAP sa program.


Good morning po. Itatanong ko lang po. If pwede po bang next year oath taking nalang po 
sumabay yung passer ng year 2016? Tanong lang po. God bless po.
Hindi kayo allowed na mag-practice sa pagiging RPm kung hindi kayo nagtake ng oath kung balak nyo na sa 2017 pa kayo mag-oath.


Is there any outlet po for the ticket na pwede naming bilhan dto sa Vigan or Ilocos region po?
Sa PRC Manila lang po ang ticket outlet para sa oath taking, wala pong regional outlets.


Hello po, may update na po ba regarding the ticket for oathtaking for those who are based 
outside Manila?
PRC Manila lang ang bilihan ng ticket. Kung dito sa Manila ang oath taking nyo, magpabili na lang sa mga kakilala (ibigay ang inyong details sa kanila).


Good afternoon. Ang oath taking tickets po san po makakabili. Pag may 2 year old po bang 
batang kasama may bayad pa rin? Wala kasi mapapagiwanan.
Kung tungkol po sa bata subukan pong humanap ng mapag-iiwanan para wala na kayong ibang iintindihin pa at baka ma-bored lang ang bata sa event.


Pwedeng via online bumuli ng ticket for the oath taking ?
Wala pa pong online ticketing system ang PRC (for now).


Kasama pa po ba mga passers sa need bumili ng ticket? Or parents nlang?
Lahat ng papasok ng Plenary Hall ng PICC at dadalo ng oath taking ay magbabayad.


Required po ba n may magulang sa oath taking? 

Hindi po.


Hi good morning po, is there any news for the oath taking here in Cebu? So we can prepare, 
e.g., leave from work, attire, purchase the ticket, etc. Thank you! 😊 Also, I'm excited.
Wala pa po, check lang po ang inyong regional PRC office.


Hello po. Its me again.. question, pano po ung arrangement ng seats sa oath taking?
Per tables pa rin po ba xa o ung hilera nlng ng chairs this year?
Noong 2014 may mga round tables po  since may i-serve na pagkain at first come first served ang basis sa table free seating walang seating arrangement (may 3-5 tables reserved for guests, PRC officials at topnotchers in front of the stage).


Hi ask ko lang po kung may iba pa po bang nagbebenta ng ticket maliban sa may prc kasi po 
1 guest lang daw per passer. Isa lang binenta nilang ticketfor guests.
PRC lang po.


Nakapag oath na po kami sa prc ,in case na gusto namin na mag oath sa mga susunod na year sa PICC, it depends na lang po samin kung uulit kami ng oath ?
It is your decision, check PRC... I have not heard of repeated oath taking



May question po ako. Required po ba umattend ng oath taking para makuha license?
No but you can practice until you have taken an oath with any of PRC officials.


Hi, pwede po mag ask? kung hindi po ba mkkapunta ng oath taking, pwede po bang mgpabili nlng ng psychometrician pin sa klasm8 na mkkpnta?
Check po nyo ang PRC or PAP.


Hello po 😊 di po ba necessary mag attend ng oath taking sa Cebu or Davao? and saan po pwede maka bili or makakuha ng pin kung hindi makakadalo ng oath taking?
Check po nyo ang PRC or PAP.


Dahil po wala akong makuhang tulong mula PRC, hehe, itatanong ko na lang din po sa inyo 
kung paano ko po kaya mareretrieve yung account ko sa PRC Online if nalimutan ko yung 
password ko? Hindi po kasi nagana yung option na "Forgot Password" eh.
Visit and check with PRC.


My friend is asking, pano po ba nagiging conditional ung status?
Sa ibaba ng score meron pong nakasulat na conditional - kung fail naman po - tanggapin na lang po na fail. Basahin din ang batas anong ibig sabihin ng conditional sa link na ito -  http://psychometricpinas.blogspot.com/p/ra-10029-or-philippine-psychology-act.html


Nag exam po ko neto lang and yung general weighted ko po eh 74.80 is there any possibilities po ba na maconsider po ito?
Kung failed ang nakasulat sa ilalim ng score mo, tanggapin mo na ito at pagbutihin sa susunod na exam.


Helo may I ask, when is the next board exam? Thanks! Good day
Wala pa pong schedule, check lang po nyo ang PRC Exam Schedule. For 2017 maaring mga buwan ng Disyembre sa taong ito lumabas ang schedule.


Kaylan po ulit ang review for RPM's thanks
Check po ang FB page ng mga review centers - may listing kami sa blog.



Magandang gabe po admin pano po magpamember sa PAP po ? Salamat po sa response.
Check PAP FB Page or website for details


Hi is there a psychometrician licensure exam here in dubai?
Wala pa po, Pilipinas pa lang sa ngayon.


Hi sir tino balak ko po mag-exam next year kaso nagdadalawang isip po ako kung rgo o sparks ano po ba marerecommend niyo ? thanks po
Follow discussion here - https://www.facebook.com/psychometricianreviewer/posts/534774020066415


Hello! Gandang gabi po.. pwede po bang magtanong kung paano po magpa-enroll sa Spark?
PM nyo po sila sa FB Page nila



No comments:

Post a Comment