Pages

Pages

Saturday, July 30, 2016

Fear is a good thing

ni  Alvin Joseph Mapoy 
Bulacan State University 
Top 8,  2015 Psychometrician Licensure Board Examination, PRC, July 2015

Hello po, gusto ko lang ishare yung experience ko last year. sa #RoadtoRPm at 1 year na ng release ng boards (sabi sa net pero tanda ko july 31 ko nalaman yung results).

Anyway, lahat siguro nang nangyari sa akin sa boards unexpected. tandang-tanda ko nung March 2015 bago ang graduation, sabi ko sa sarili ko 2016 na ako kukuha ng boards. Natatakot kasi talaga ako. During that time, alam ko nang gagraduate ako bilang Magna cum laude and I am proud of that, kaso yung pressure na syempre Cum laude ka latin honor ka, syempre dapat pumasa ka sa board exam. 

At natatakot akong mapahiya ang mga faculty ng school na pinangalingan ko. Nahihiya rin ako na mapahiya ako sa sarili ko. Ilang beses na rin kasing hindi ko natupad yung ineexpect ko sa sarili ko. Mahirap kasing magexpect, alam ko, pero yun nga, nakakapressure yung expectations, pero ayun nagtake ako ng board exam, bakit? because sabi ng prof ko, "Fear is a good thing" mas magiging maingat daw ako pag natakot ako at mas malaki ang chance na pumasa kaysa sa pag kampante ka.

Fast forward, during the review, after ng graduation, nagstart na ako, kaso ayun, walang kwenta ang pagrereview sa first few months. Distance learning lang kasi ako nakaenroll that time, hawak ko yung oras ko, dahil nga dun, 3 hours lang (minsan 1 hour) lang ako makapagreview araw-araw. Ano inaatupag ko? Ayun, computer games (need for speed, gta, etc.), ewan ko ba sa akin. Nagaasikaso pa ng requirements kaya ayun, wala, halos walang nadagdag sa karunungan ko. lol.

Tapos, one month na lang, dun na talaga dumating yung pressure sa akin. Napaiyak na lang ako sa sobrang takot kasi maraming nageexpect sa akin na papasa ako. Maski yung pamilya ko tanda ko sabi nila ang ineexpect nila is top 10 ako. Dun talaga ako nagulantang, yung after ng grad, gusto ko pang gawin lahat para mag-top 10 pero dumating yung 1 month na lang, tapos halos wala pa sa kalingkingan yung modules na nareview ko. 

Naalala ko talaga na umiyak ako mga 1 month, kasi feeling ko di talaga ako papasa. To the point, na sinasabi ko sa sarili ko na wala akong kwenta, na ang bobo ko, na ang tamad-tamad ko, bakit ko pa ineexpect na pumasa ako, eh ang bobo at tamad ko? Kinabukasan after ng aking "existenial crisis" sumugod ako sa Recto at naghanap ng reference books, naka almost 3k ako nun. Simula noong araw na yun, yung dating 3 hours kong pagreview, 8 hours na. Ang pahinga lang talaga is lunch tapos matutulog ako agad after dinner. Ayoko talagang pagurin yung sarili ko, sabi ko sa sarili ko. Hindi rin ako gumamit ng manila paper na isasabit sa dingding. Binasa ko yung mga libro na parang novels ni JK Rowling. 

1 week to go before the board exams, di ko nagawa yung goal ko na matapos yung modules at libro ko, nakakakalahati lang ako ng mga libro. Ayun, sabi ko, wala na to. Hindi na ko papasa, lalo na't narinig ko sa prof sa review center na usually daw ang pumapasa nagbabasa ng isang buong libro per subject eh ako? Puro hanggang chapter 5 lang dun sa 4 na libro. Tapos umattend ako ng parang final coaching, sa harap talaga kami pumuwesto ng mga kakilala ko. Ayun, confident kasi ako sa harap ng ibang tao pero that time, di ko mapigilang kabahan ng sobra, everytime na may sasabihin yung prof na di ko alam kinakabahan ako, sabi ko napaka-limited naman ng alam ko, pero di ko pinahalata sa mga kaibigan kong nageexpect sa akin. Medyo maayos naman grades ko sa mga mock exams, pero never tumataas sa line of 8, pero sabi ng mga kaibigan ko baka daw magtop ako. That time, di na ako umaasa. Naalala ko pa meron isang prof doon, na nagfinal push sa akin na baka nga kaya kong pumasa.

Dumating yung board exam, ayun, first subject TOP (yes, tuwang-tuwa ako, feeling magta-top notcher, mga 15 lang di ako sure na sagot), kaso after ng second subject (psych assessment) ayun diretso kay St. Jude (sa La Consolacion kasi ako nagexam), todo dasal na pumasa na lang ako, kahit di na magtop basta pumasa. Dumating yung last subject nung second day (I/O Psych), ayun halos maluha-luha na ako, di ko kasi nasagutan yung apat na tanong eh akala ko that time pag may blangko, (hal. number 45 yung di ko nasagutan, yung sagot sa number 46 mapupunta sa 45). Tinext ko pa yung mentor ko sabi ko "sir, baka di ako pumasa, may nablangkuhan akong number" sabi naman niya di naman ganun yun. Pero di ako convinced.

When waiting for the exam results, ayun, 10 days agonizing grabe, halos mamatay ako.  Pero naalala ko na around 7:00 am, naliligo ako may nagtext sa akin, sabi topnotcher daw ako. Feeling ko niloloko lang ako kaya diretso PRC at ayun nga nasa TOP 10 ako. Halos maiyak ako sa sobrang tuwa lahat ng sacrifices, worth it. lahat ng pagdududa ko sa sarili ko, nawala. Grabe, ang bait ni Lord. Siguro yun yung pinakaunexpected na nangyari sa buhay ko. 

Napakaunexpected nang lahat. Yung tao na pinagdududahan yung kanyang kakayahan siya pa yung nag-TOP 10. Hirap paniwalaan. Siguro ganun naman talaga ang buhay, minsan kung kailan ka kamuntikan nang sumuko, dun pa papatunayan ni Lord na dapat di ka sumuko. Na matuto rin tayong magtake ng risk. Sabi nga ng mentor namin, "Always remember that you are greater than the 450 questions" kahit magtop ka, pumasa, o bumagsak, hindi yun yung sukatan. The most important thing is the journey itself. At least for me.

#BLEPP2015
#RoadtoRPm

No comments:

Post a Comment