Taos pusong pasasalamat!
Alam ninyo, bilang sa isa sa mga admin, gusto naming pasalamatan kayo sa pagpapalaganap ng mga kwento ng karanasan ng mga kapwa nating psych.
Sa totoo lang, kinakabahan rin kami sa darating na BLEPP dahil damang-dama rin namin yung paghihirap ninyo.
Itinayo ito ni Tino Repaso para makatulong sa mga self-reviewees ng BLEPP.
Isa ako sa maswerteng napili niyang maging admin noon (self-reviewee rin). Marami kasi akong natutunan at wala akong ibang makapitan kundi yung available resources ko at pati ang page na ito.
Hindi inakala ng page na ito *kaming mga admin* na marami na rin pala itong nagawa... mula sa pagbibigay noon ng scholarships *free review* sa ilan sa review centers hanggang sa pagpapalaganap ng mabubuting balita ng tagumpay ng ilang mga pumasa, mga masasalimuot rin na kwento, kwentong hindi malilimutan, funny memes, practice tests, links, video links, kung anu-anong psych resources at iba pa. Sobrang salamat!
Sana mas marami pang magawa ito, at marami pang mga admin ang madagdag mula sa Mindanao, Visayas at Luzon.
Salamat mga bes!
Ipapanalangin namin na marami ang makapasa sa inyo sa darating na board exam at maraming pumasa sa larangan natin!
Sana sa page na ito, magsimulang magbuklod-buklod tayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng tips, masasayang kwento, at kung anu-ano pa na patungkol sa larangan natin. Kaya kung nasaan ka man, mamahagi ka!
Welcome ka!
Para sa mga mageexam, sabihin niyo ito sa sarili ninyo at isigaw mo:
"Kita-kits sa oath-taking!"
Ito na ang moment mo, ibigay mo na ang best mo...bes!
#pagbabalik #pasasalamat #30klikes
Ito na ang moment mo, ibigay mo na ang best mo...bes!
#pagbabalik #pasasalamat #30klikes
lllll
No comments:
Post a Comment