Malapit na naman ang
bagong taon, marami na naman ang lokohan (hahaha biro lang). Alam mo ba, mas maraming pangako ang
napapako pagkatapos pumasok ang bagong taon? Marami sa atin na hindi napapansin
ang ilan sa mga bagay na paulit-ulit na nating sinasabi tuwing papasok ang
bagong taon.
Ito ang ilan lamang sa
mga hindi natutupad base sa mga naririnig ko nang paulit-ulit mula sa mga
katrabaho, kaibigan, kapamilya, kapuso, kasangga at kaklase:
1. Mag-iipon na talaga ako at hindi na
gagastos pa. Usapang financial ito pero ewan ko na lang. Mahirap iwasan
ang pagkain kasi iyan ang una nating pangangailangan. Malamang kapag may bagong
bukas na resto hindi ka na naman magpapahuling hindi kumain at ma-picturan iyon.
2. Magdidiet at mag-eexercise na ako! Kung
natupad yan last year, for sure, may abs ka na ngayon. Gusto mo kasi ng healthy
living pero kapag niyaya ka, hindi makakatanggi. Ang karaniwang defense mechanism
para dito, rationalization.
Scene sa Kusina:
*Nakakita ng pagkain*
Di bale, konti lang naman! Saka ngayon lang naman ako kakain, hindi nakakadagdag ito ng fats. *nom nom nom*
Note: Pero sa totoo lang, mahirap talaga ang pagdidiet kaya kailangan ng isandaang porsyentong motivation para magawa mo ito.
3. Magmomove on na ako. </3 Sige
lokohin mo pa sarili mo. Mag-move on ka na lang kung gusto mo talagang mag move
on. :D Nasa sa iyo naman iyon. Mangangako ka pa na magugulat siya sa'yo at
magsisisi
Read more...
Read more...
No comments:
Post a Comment