Pages

Pages

Monday, September 28, 2015

Life After Boards: Mr. BackStreetBoy, RPm

image source - http://digobrands.com/wp-content/uploads/2012/11/Screen-shot-2012-11-30-at-9.42.53-AM.png

Uy Psych major ka, madaling makahanap ng trabaho...
By Mr. Backstreetboy, RPm


We've come into some realizations that in life there are times that things seem not always in our favor. Sometimes, we realize that there will be the right time for us to have the things that we want. Sometimes it takes time, courage, and invaluable perseverance in achieving the goals and dreams we want to reach.  

In this "Life after Boards" Series by #teamRPm, we'll come to appreciate some of unique stories among board passers and those not lucky so lucky for their first or second time to take the licensure exam but they moved on and continued enjoying their wonderful journey in life. In this article we will be sharing the story of Mr. BackStreetBoy, RPm.
- - -

Totoo nga po ‘ata yung sinabi nila na pag nakatapos ka ng school, di naman agad agad may trabaho ka. Sa totoo lang po sa tuwing nag-uusap po yung mga classmates ko kung anong ginagawa nila sa work nila, yung mga technical terms na mabilis lang nilang nashe-share at napi-pick up, at yung mga experiences nila sa mga boss nila, gaano nila kagalit yung mga workmates at gaano kadami yung workloads nila, ‘di ko naman po masyadong maintindihan – pero yung nga, ‘pag nag – uusap sila tapos ibabaling sa ‘kin yung tanong na “Uy, <insert my name here> anong work mo?” parang gusto kong ngitian na lang sila, at nanalangin ako na sana tanggapin na lang nila yung ngiti ko … dahil ‘di naman related sa psych yung trabaho na meron ako ngayon.

Nung bago pa man ako grumaduate, nagsimula na talaga akong mag-hanap ng trabaho sa field. Crush ko po talaga yung testing center na unang inapplyan ko, kaya kahit may pasok pa sa school pinuntahan ko na. Matagal din po akong naghantay sa muling pag-contact nila sa ‘kin para sa final interview. It turns out na ‘di naging maganda yung final interview – madali kasi akong kinabahan. Yung span na hinintay ko, itinulong ko nalang sa services ng repair shop namin.  

Then, with hopes na matanggap na sa work ng psych, nag-hanap parin ako. Punta dito punta duon, sakay dito sakay duon, send ng resume dito send ng resume duon, tell me more about yourself dito, tell me about your past job experience duon – sa dami ng past past na 'yan, napapakanta na lang ako ng “tell me why ain’t nothing but a heartache.” Ako lang po ba ang ganito? Nagpa-praktis naman ako ng interview minsan kaharap ko yung salamin. Bakit ganun?

Dahil nga sa ‘di ako matanggap sa trabaho na ina-applyan ko, parang sinabi ko na rin sa isip ko na ‘bahala na’. Pero, ‘lam nyo po yung feeling pag sinasabihan ka ng dapat mayroon kang ganito, dapat mayroon kang ganyan, sana mayroon kang work, uy mag-hanap ka nang work .. ang nasa puso ko po ay, “aray ko beh.” Naghahanap naman po ako, ‘di lang talaga matanggap, at saka mabilis lang po talaga ako kabahan. Sana po next time, ‘pag nagtanong kayo kung may work na yung isang tao, dagdagan nyo na din ng “Uy, may opening sa amin apply ka!” Yung may solusyon naman po, ‘wag yung dag dag lang po sa sama ng loob.

Pasado naman po ako sa Board Exam, may pending work application po ako, at nagtuloy ako ng studies sa grad school. Pero, sure naman ako na ‘di lang ako ang nag-iisang tao na unemployed sa field ng psych, bukod po dun pinaghihirapan ko naman po pang-aral ko, technician din po ako ng mga appliances, mahusay po ako sa gawaing bahay, bukod dun, minsan mahilig din akong tumulong sa mga classmates ko, lalo na’t nakikita kong nahihirapan sila sa mga assignments nila, at higit sa lahat ‘pag may tatapusin sa office, nung OJT namin, late na po kaming nauwi.

Nagkataon lang po siguro na di pa ako ganun kagaling o kahusay sumagot sa interviews, madalas kasi ay kabado ako at obvious ang stiffness ng katawan ko. Paki-usap isipin nyo din yung pag nagsasalita kayo ng “Uy Psych major ka, madaling makahanap ng trabaho.” Sorry, pero mali po talaga ang inyong inaakala.


-----------------------------------------------------
Our reader and contributor is 'Mr. Backstreetboy, RPm', he likes various bands, he was greatly influenced by his high school friends for such liking for music. He loves to listen to bands and musicians like The Used, My Chemical Romance, System of a Down; to some slow rock like Scorpions, Queen, and Air supply; and to some Pinoy musicians like Roel Cortez and Jose Mari Chan. He passed the board examination (BLEPP) last July 2015 with hopes of advancing his education, career and application of research on happiness. According to him, he loves Psychology because of its flexibility when it comes to job opportunities, its application to understand consumers behavior, and in understanding oneself. Once he finished his master's degree, by then, he would have created a psychological tool that will measure happiness and subjective well-being. (Ed)

No comments:

Post a Comment