Pages

Pages

Sunday, September 20, 2015

FOR FUN: ADVICE PARA SA MABABANG MARKA

Gusto ko lang ibahagi ‘yung alam kong baka makatulong sa inyo. 

Nagpamidterm kasi ako noong nakaraan, marami nakakuha ng mababang marka. So, syempre concern ako. Pinauwi ko yung mga test papers at nagbigay ng mahalagang advice para next time pumasa na sila sa Finals. Kaso itong students ko, natatawa lang sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit. Bahala kayo. Basta nag advice ako. Ito yung advice ko:

Bago matulog gawin ito:

Itupi ang inuwing test paper ng tatlong beses..hawakan ito ng dalawang kamay at ilagay sa dibdib sabay sabihin ang mga katagang "papasa ako" pabulong sa hangin ng tatlong ulit. Pumikit. Ilagay sa ilalim ng unan nang dahan-dahan. Humiga ng nakatagilid. Pagkagising, dapat na ilagay sa ilalim ng plato ang tinuping papel (for 3 days yun gagawin). Sa ikaapat na araw, isama ito sa timbang pagliliguan (if ever na shower ka, mag pm ka sa akin bibigyan kita ng ibang hakbang). Maligo ngunit magtira ng kaunting tubig sa timba. Isalin sa baso at saka inumin. Sa ikalimang araw, pagkagising, isigaw ang mga salitang "sure win papasa na ako sa finals!" (dapat nakataas ang kanang kamay ha kasi mai-invalidate ito.)

Garantisado yan!

#forfun #concernedrpm #kepweng #alamnaha #RPmRiyan

No comments:

Post a Comment