Hindi biro ang kumuha ng lisensiya para sa mga mga board passers ng kauna-unahang Licensure Exam for Psychometricians. Noong una baptism of fire sa exam, dahil bago at first batch sa pagkuha ng exam (maliban pa sa pagproseso ng mga dokumento). Tapos ngayon, baptism of typhoon Ruby/rain/flood sa pag-attend naman ng Oath Taking sa PICC. Marami ang hindi makakadalo gawa ng bagyo.
Finally ang kita-kits sa oath taking! Pero hindi biro. Kaya dapat magamit sa maayos at mabuting paraan ang lisensiya sa daming pinagdaanan ng mga Pioneer batch.
Sana lang din masagot ng mabuti at magkaroon ng maayos na resolusyon ang hinaing ng mga hindi makakadalo sa refund ng kanilang tickers, dahil sa lagay ng panahon, gustuhin man nilang makadalo ang sungit ng panahon naman ang pumipigil sa kanila. Alam ko na magagawan ng paraan ng Board of Psychology ng PRC na magkakaroon ng oath taking doon sa mga hindi makakadalo sa araw na ito. May ibang rehiyon na ang may naka-set na oath taking nila.
Hangad din namin sa Philippine Psychometrician Reviewer na sana sa susunod na pagkakataon lahat ng hindi naging mapalad sa unang pagkakataon ay mas maging mapalad sa susunod board exam sa taon 2015, at hindi binabagyo ang inyong magiging Oath taking.
Kita-kits sa Oath taking, ito na siya, may ilang aberya pa rin subalit kayang-kayang tugunan at malampasan, maging mapagkampi sana ang kalikasan sa ating mga Pioneers.
Kaya kita-kits...
Cloudy pa rin sa Quezon City area as of 8:18 AM |
No comments:
Post a Comment