Pages

Pages

Tuesday, November 11, 2014

Psych Living a Balanced Life


Psych Living a Balanced Life
by Jennifer Francia Pugao Villanueva, RPm
11042014




“Tunay ngang maaaring pagsabayin ang: PAGTATRABAHO, PAG-AARAL, PAG-IBIG, PAGGALA kasama ng mga kaibigan at PAGTUPAD NG TUNGKULIN sa Dakilang Lumikha.”




Apat na taon na magmula nang ako ay nagtapos sa Sikolohiya sa mataas na Unibersidad ng Santo Tomas. Ako ay nagtrabaho bilang bangkera (Teller) sa BPI Kamias-Anonas. Akala ko ay hindi ko makakayanan sa Banking Industry dahil ang kurso ko ay Sikolohiya at hindi kursong pang Teller. Subalit sa biyaya ng Dakilang Lumikha, nagkamit ako ng pinakamataas na pwesto sa BPI Teller’s Certification na may markang 91%. Nagtrabaho ako bilang Customer Service Associate (CSA) sa loob ng dalawang taon. Ninais kong mag-aral muli, kung kaya’t nagdesisyon akong huminto sa pagtatrabaho at kumuha ng MS Human Resource Management sa UST Graduate School bilang isang full-time graduate student. Subalit, dahil na rin sa kalagayang pinansiyal, ako ay huminto sa pag-aaral at naghanap muli ng trabaho. Ako ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang Customer Service Assistant sa PLDT Balara. Bagaman mahirap na trabaho ang isang frontliner, masaya ako sa trabaho ko.

May FRANZ’ TIPS akong ibabahagi sa mga nais kumuha ng Psychometrician:

1. HINDI HADLANG ANG PAGTRATRABAHO.
“Kung nakaya ko, makakaya niyo rin! Maaari mong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho kung gugustuhin at didisiplinahin ang sarili.”

Ang istilo ko kasi, dahil sa pagod na ako pagkagaling sa work, matapos ang hapunan, natutulog muna ako at gigising sa madaling araw para mag-agahan at mag-aral. Inilalatag ko na lahat ng mga aaralin ko at mga kakailanganin ko para tipid sa oras, maiidlip ulit at maghahanda para pumasok sa trabaho. At ito pa, maaari mo ring dalhin ang mga reviewers mo sa work para during break, may binabasa ka. Maiintindihan ka naman ng mga kasama mo na nag-aaral ka. 


2. KUNG IKAW AY MAY GIRLFRIEND/BOYFRIEND HUWAG MAKIPAGBREAK KAPAG NAGREREVIEW.
Mas maigi na alam ng girlfriend/boyfriend mo na nagrereview ka para sa Board Exam. Kailangan malawak ang pang-unawa niya para hindi siya demanding sa time mo. Makabubuti kung ang date niyo ay “DATE REVIEW”. Maganda na siya ay iyo ring STUDY BUDDY, yung tipong kahit nakaupo lang siya sa tabi mo ay nararamdaman mo ang moral support niya – kahit hindi siya nagsasalita at nagpe-facebook lang siya.

3. POSITIVE REINFORCEMENT REALLY WORKS.
Hindi lang hanggang libro sina Skinner – nagagamit talaga ang kaniyang teorya sa tunay na buhay. Tuwing pagkatapos ng Mock exams ko sa UST, bumibili ako ng paborito kong pagkain. At motivating rin ang masarap na luto ni Inay pagkauwi ko galing review – HAPPY TUMMY! 


4. KELANGAN MO RIN GUMALA WITH FRIENDS
Siyempre! You need to take a break once in a while specially when studying. Nakakaurat kayang mag-aral nang mag-aral. Kelangan rin tumawa at makipagkulitan sa mga kaibigan. At ang GROUPIE na pang FB. =))


5. HUWAG MONG IDEDEACTIVATE ANG FB, TWITTER, INSTAGRAM O ANUMANG SOCIAL NETWORKING SITES
Maximize your resources. Actually, ang social networking sites ay mayaman sa kaalaman kung gagamitin natin sa tama. Tsaka pang tanggal umay sa pag-aaral. Ako, I personally use my FB as a motivator. Nagpopost ako ng mga larawan ng activity ko, in line sa mga napag-aralan ko in Psych and I feel motivated sa positive feedback nila for every post. Same as goal-setting: Goals stated in public are more motivating than the ones stated in private. Kasi may other people na pwedeng makamonitor ng progress mo towards attaining your goal. At ang goal ko nung during review ay makapasa sa 1st Psych Board Exam and it pays well.


6. START AND END YOUR DAY WITH A PRAYER AND WITH A SMILE
"Masaya sa pakiramdam na motivated kang mag-aral. Yung sigurado kang gigising ka kasi bigla kang mapapaigtad sa kama, "OMG, marami pa pala akong aaralain!" Masarap basahin ang iba't ibang teorya ng Personalidad lalo na ang pagkakadepinisyon nila ng PAG-IBIG. Para kang nagbabasa ng isang romantic novel nang hindi mo namamalayan napapangiti ka na pala.


7. HUWAG KANG MAGPAPAGUTOM 
"Hindi bale nang mataba, basta't busog habang nag-aaral."
LAMESA ang study area ko. No wonder biglang lobo ako after review. Walang papasok sa isip kapag gutom. Lagi mo lang uulitin sa isip mo, "Gutom na ako, gutom na ako, gutom na ako.. (to the nth power)


8. MAINTAIN A PEACEFUL HEART
Kahit sinong irate subs, walang makakapagpaiyak saken. Kahit anong galit nila, napapangiti ko sila pa rin sila at friends kami pagkaalis niya ng business office. Iyon ang bentahe natin PSYCH PEOPLE - kaya natin ihandle each personality types. Sa araw-araw na problems na naeencounter mo sa trabaho, just leave them all in your work place. Pag-alis ng office, may ibang buhay ka pa - pamilya, kaibigan, pag-ibig, pag-aaral at paglinang ng talento't kakayahan (mahilig akong sumayaw, gumuhit at gumawa ng art journal with reflections. Pinapaunlakan ko rin ang mga imbitasyon na makapagbahagi ako sa mga espesyal na talakayim sa kasaysayan at boluntaryong pagtuturo sa mga kabataan)


9. HAVE A POSITIVE OUTLOOK.
Umpisa pa lang, sinasabi ko na sa sarili ko, "Kapag ako hindi pumasa, masaya pa rin ako. Iba ang ligaya na dulot sa akin ng pag-aaral na ito. Binigyan niya ng buhay ang routinary kong buhay. At ang lahat ng ito ay para sa mas ikabubuti ng aking tatahakin sa buhay." Kaya buo na ang desisyon ko na ako ay magtutuloy sa UST Graduate School ng MA Clinical Psychology para mas malawak na mundo na ang aking galawan at maibahagi ko ang likas na talento kong pagmamahal at pagtulong sa paglinang ng kakayahan ng bawat kapwa ko Pilipino. Ang motto ngayon ay: PROMOTING POSITIVE MENTAL HEALTH AND WELL-BEING IN EVERY FILIPINO. 

© Jennifer Francia Pugao Villanueva, RPm


(Note: Jennifer graduated in 2010 at UST. She is currently working as a CSA at PLDT.  Among her numerous hobbies include, Dancing, Painting, Art Journaling with JFPV Reflections.  She is interested in serving as volunteer lecturer of CUFI and teacher of KISLAP (Youth Org).  Albert Bandura is her fave psychologist (I personally chose his Behavior Modeling in our thesis - Cinematherapy on the Aggression Level of Male Juvenile Delinquents. His theory is holistic!  Whenever I do volunteer teachings, I use Filipino movies/clips in order to instill Filipino Values in my participants and his theory works best!). For her  future plans, "I want to be a Psychologist". I dream of helping my Filipino men to heal their self - holistically. I love giving advice and uplifting my friends, loved ones and students. I believe that I was born to help others discover and develop their God-given gifts. Especially nowadays that people in social networking sites develop low self-esteem, depression, experiencing being bullied, I believe I can help in my own simple ways.) 

No comments:

Post a Comment