Showing posts with label Sikolohiyang Pilipino. Show all posts
Showing posts with label Sikolohiyang Pilipino. Show all posts

Thursday, August 22, 2013

Infographics - Acts of Pakikipagkapwa

Mula sa - http://buklodisip.weebly.com/san-na-si-sp.html

Sa'n Na Si SP?

Sa pamamagitan ng Sa'n Na Si SP, naglalayon ang UP Buklod-Isip na makatulong 
sa paglalathala at pamamahagi ng mga bagong pag-aaral ukol sa 
Sikolohiyang Pilipino (SP). Ang mga pag-aaral na ito ay ibinabahagi sa 
porma ng komiks upang maka-engganyo ng mas maraming mambabasa. 
Sa kasalukuyan, nakapaglabas na ng limang Sa'n Na Si SP posters ang Bukluran.

Translation
(Where is SP? Through where is SP, UP Buklod-Isip aims to help in the 
publication and distribution of new researches and studies on Filipino 
Psychology. These studies are shared through comics form to attract more
readers. At present, there are already 5 posters of Where is SP that has been 
released.)

Ang UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino o UP BUKLOD-ISIP ay 
isang pang-akademikong organisasyon ng mga mag-aaral ng sikolohiya. 
Pangunahin sa mga isinusulong nitong samahan ay ang pagtataguyod at 
pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino (SP), isang sikolohiyang sumasalamin 
sa diwa ng sambayanang Pilipino, at tumutugon sa mga pangangailangan at 
adhikain nito; isang sikolohiyang malaya, mapagpalaya, at mapagpabagong-isip.

Translation
(The UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino o UP BUKLOD-ISIP is an
academic organization of students in Psychology  
at the University of the Philippines (UP). Among the priorities 
of the organization includes the support and promotion of Filipino Psychology,
a psychology that reflects the Filipino consciousness, respond to their needs and 
aspirations; a psychology that is free, empowering and that encourages change of
consciousness.)

Sunday, August 18, 2013

Tentative Program of the 38th National Conference on Filipino Psychology

Mula sa Sikolohiyang Pilipino:

Panawagan sa Papel at Symposium: Ika-38ng Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino

E-mailPrintPDF
Nalalapit na naman ang taunang Pambansang Kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino. Ngayong taon, ang tema ng kumperensya ay"Sikolohiya ng Malasakit at Pananagutan" na gaganapin sa Lungsod Naga, Camarines Sur sa darating na 21-23 Nobyembre 2013.  Ito ay isasagawa sa Naga Regent Hotel (21 Nobyembre) at sa University of Nueva Caceres (22-23 Nobyembre).  Ito ay pamamahalaan ni Prop. John Hermes Untalan ng San Beda College bilang convenor at ni Prop. Miriam Aquino Malabanan ng Lyceum of the Philippines University-Batangas bilang co-covenor.  
Katuwang ang University of Nueva Caceres, itatampok sa tatlong araw na kumperensiya ang mga pagtalakay sa paghubog ng malasakit at pananagutan ng mga Pilipino sa iba’t ibang kunteksto at ang pagtatanghal ng mga pananaliksik ng mga sikolohista at iba pang eksperto't may interes sa lipunan, kultura at sikolohiyang Pilipino. Sa ikatlong araw, magkakaroon din ng mga workshops/lakbay-aral na patuloy na maglilinang sa mga kaalaman at kasanayan ng mga dadalo sa kumperensiya.
Nilalayon ng kumperensya na: pagtuunan ng pansin ang paghubog ng pananagutan at malasakit sa iba’t ibang kunteksto: pag-uugnayan, pamilya, paaralan, propesyon, pananampalataya, at pamahalaan; magtampok ng mga pananaliksik sa sikolohiya, kultura, at lipunang Pilipino; at magbahagi ng kaalaman at kasanayan na nagtataguyod ng Sikolohiyang Pilipino.
Para po sa pagsusumite ng papel, pumunta lamang sa http://bit.ly/pssp2013abstract.
Para naman sa pagsusumite ng symposium, pumunta lamang sa http://bit.ly/pssp2013symposium.

Pansamantalang programa sa ika-38ng Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino
Sundan ang ugnay na ito - http://bit.ly/18uNqM7

Endorsement from CHED

Friday, August 16, 2013

ISIP NOYPI - Pagkiliti sa Imahinasyon ng Kabataang Pilipino

Inihahandog ng TATSULOK-Alyansa ng mga Mag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino, Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino, at Departamento ng Sikolohiya, HAU-Pampanga:

“iSip noyPi: Pagkiliti sa Imahinasyon ng Kabataang Pinoy”

Ika-14 ng Setyembre, 2013, mula 12:00-4:00 PM
University Theater, Holy Angel University, Angeles City

STRICTLY NO WALK-INS

Para sa pagpapatala at iba pang katanungan, mag-iwan lang ng mensahe sa http://facebook.com/tatsulok.pssp o mag-email lang sa angtatsuloknewsletter@gmail.com

HAUnda na kami, magpapahuli ka pa ba?‪#‎SPPrimer2013‬

(c) Sam Carl Garcia

Thursday, August 15, 2013

Infographics - Sikolohiyang Pilipino in the Classroom