Pages

Pages

Tuesday, December 29, 2015

BAGONG TAON 2016: ANO ANG NEW YEAR'S RESOLUTION MO? Mga Karaniwang New Year's Resolution na Hindi Natutupad


Malapit na naman ang bagong taon, marami na naman ang lokohan (hahaha biro lang). Alam mo ba, mas maraming pangako ang napapako pagkatapos pumasok ang bagong taon? Marami sa atin na hindi napapansin ang ilan sa mga bagay na paulit-ulit na nating sinasabi tuwing papasok ang bagong taon.

Ito ang ilan lamang sa mga hindi natutupad base sa mga naririnig ko nang paulit-ulit mula sa mga katrabaho, kaibigan, kapamilya, kapuso, kasangga at kaklase:

1. Mag-iipon na talaga ako at hindi na gagastos pa. ‪Usapang financial ito pero ewan ko na lang. Mahirap iwasan ang pagkain kasi iyan ang una nating pangangailangan. Malamang kapag may bagong bukas na resto hindi ka na naman magpapahuling hindi kumain at ma-picturan iyon.

2. Magdidiet at mag-eexercise na ako! ‪Kung natupad yan last year, for sure, may abs ka na ngayon. Gusto mo kasi ng healthy living pero kapag niyaya ka, hindi makakatanggi. Ang karaniwang defense mechanism para dito, rationalization

Scene sa Kusina:
*Nakakita ng pagkain*

Di bale, konti lang naman! Saka ngayon lang naman ako kakain, hindi nakakadagdag ito ng fats. *nom nom nom*

Note: Pero sa totoo lang, mahirap talaga ang pagdidiet kaya kailangan ng isandaang porsyentong motivation para magawa mo ito. 

3. Magmomove on na ako. </3 ‪Sige lokohin mo pa sarili mo. Mag-move on ka na lang kung gusto mo talagang mag move on. :D Nasa sa iyo naman iyon. Mangangako ka pa na magugulat siya sa'yo at magsisisi 

Read more...