Monday, November 23, 2015

BAKIT CRUSH MO ANG CRUSH MO? AT ILANG MGA NINJA MOVES


Dahil malapit na rin naman ang pasko at nape-pressure ka na rin naman na baka masama ka sa SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko), halina’t basahin ang artikulo na ito at baka matulungan kita. Hahaha.

Napagdaan ko na rin yan! Oo. ‘yung ganyang feeling. Kinakabahan, kinikilig na parang naiihi, yung ngiti mo na pinipigilan sa t’wing kasama mo s’ya o kaya kapag napadaan s’ya, ‘yun pakiramdam na gusto mo rin sya minsan kurutin o yakapin (weh? Hahaha nakarelate!), pakiramdam na gusto mo na rin s’yang batukan kasi hindi n’ya magets na gusto mo s’ya kahit nagpapahaging ka na, at siyempre ‘yung pakiramdam na hindi pwede kasi crush mo lang s’ya at may iba na s’ya o hindi pa s’ya handa.

Kapag matutulog ka, minsan iniisip mo kung naiisip ka n’ya (Pero malamang baka hindi kasi nga maaaring nasaksakan s’ya ng anaesthesia. Biro lang. Malay mo type ka rin n’ya). Napapaisip ka nga, “ano ba sasabihin ko na ba? Pero anong use?” Kaya nga minsan gusto mo na lang din kalimutan na gusto mo s’ya eh, i-suppress ba kaso sabi ni Papa Freud “Unexpressed emotions will never die. They are buried alive and they will come forth, later, in uglier ways.” Hahaha. Dyusme!

Pero bago pa tayo malayo sa usapan, eh bakit nga ba crush mo ang crush mo? Nalaman mo na kay Papa Ramon Bautista kung bakit hindi ka crush ng crush mo, pero alam mo ba kung bakit naging crush mo ang crush mo? Kung sakaling alam mo o may hint ka na, may paliwanag ka ba sa mga iyon? Ginamit mo na ba ang kaalaman na iyon para maka-ninja moves ka*insert evil laugh*?

Okay. Hindi naman kasi simple lang na magustuhan ka, may proseso ‘yan pero hindi ko maituturo sa’yo yung behaviorism strategy na i-shape ang puso ni crush! Gagamit tayo ng ilang ideya sa social psychology. *wink*

Balikan natin ang ilan sa social psychology natin! May teorya o ideya tayo dyan. Ito ang mga sumusunod:

1.    Proximity
“To be attractive, one must be near to them in both space and time.”


Pwedeng nagustuhan mo s’ya kasi naging malapit kayo sa isa’t-isa at available s’ya sa tuwing kailagan mo s’ya. Ngayong alam mo na, pwede mo rin itong gamitin na weapon. Oh, dito h’wag ka naman pahalata masyado. Baka naman super close ka na sa kanya, ‘yun tipong isang lingon lang o bawat lingon n’ya naroon ka. Easy-han mo lang! Hahaha. May mga oras na kailangan rin n’ya ng makakasama o kailangan n’ya ng available na tutulong sa kanya sa ilang mga bagay. Maging available ka roon! Maging mapagmatiyag!

2.    Mere Exposure Effect
“To be attractive, one must be exposed more to someone.”


Minsan naniniwala talaga ako na dahil sa palaging magkasama kayo sa mga group works, naging seatmate, nakakasalubong o aksidenteng nagkikita kayo sa ilang mga pagkakataon ay lumalaki talaga ang chances na doon nagkabanggaan ang puso niyo este ikaw lang pala yung nabangga tapos nag-move on na s’ya. Hahaha. Biro lang. Na-expose ka kasi sa kanya! Kaya baka isa iyon sa dahilan kaya naging gusto mo s’ya at hindi ka n’ya na-inform doon. Alam na, ito rin ang pwede mong gamitin sa kanya. Try mo rin i-expose ang sarili mo sa kanya nang hindi naman masyadong OA pero tandaan kasama ito dapat ng principle #7.

3.    Similarity
“We are attracted to those who are similar to us.”


Alam n’ya yung mga bagay na alam mo at gusto n’ya ang mga bagay na gusto mo rin. Komportable ka kasama s’ya at masarap s’yang kausap kaya nga magkasundo kayong dalawa kaso hindi sa iisang bagay… ikaw lang ang may gusto sa kanya...

Read more....